Frasco

Bagong Compostela public market pinasinayaan ni Rep. Frasco

August 16, 2023 Mar Rodriguez 210 views

PINANGUNAHAN ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Congressman Vincent Franco “Duke” D. Frasco ang pagpapasinaya sa bagong public market sa bayan ng Compostela na nagkakahalaga ng P25 million at inaasahang magbibigay ng malaking kaginhawahan at tulong sa mga Cebuano.

Sinabi ni Frasco na muling maibabalik ang kabuhayan ng mga residente matapos masira at gumuho ang lumang public market sa kasagsagan ng bagyong Odette noong 2021.

Pinasinayaan din ni Frasco ang bagong P4 million COOP building na magagamit ng mga miyembro at opisyales ng Compostela Market Vendor’s Multi-Purpose Cooperative.

Pinapurihan ni Bon Alivio, founding manager ng Compostela Market Vendor’s Cooperative, si Frasco na nagsabing sa loob ng 25 taong pananatili ng kanilang kooperatiba, ngayon pa lamang aniya nagkaroon ng isang government official sa katauhan ni Frasco na nagmalasakit para sa kooperatiba.

Binigyang diin ni Alivio sa kaniyang maikling mensahe na bukod tanging si Frasco lamang ang nagpakita ng malasakit at nagbigay ng tulong para sa mga miyembro ng kooperatiba sa pamamagitan ng mga isinulong nitong proyekto.

AUTHOR PROFILE