Tansingco

Bagong batch ng human trafficking victims nakauwi na sa PH

October 28, 2023 Jun I. Legaspi 140 views

NAKAUWI na sa Pilipinas ang panibagong batch ng mga Pilipino na biktima ng human trafficking sa Myanmar, ayon sa Bureau of Immigration (BI).

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na kinabibilangan ng tatlong lalaki ang dumating galing sa Bangkok.

May edad ang mga biktima mula 20 hanggang 30 at inamin na na-recruit sila sa Facebook para magtrabaho bilang call center agents sa Thailand.

Tulad ng mga dating biktima ng human trafficking, isang van ang sumundo sa kanila at ibiniyahe mula sa Thailand patawid ng Myanmar sakay ng bangka.

Pagsapit ng Myanmar, pinuwersa silang magtrabaho bilang mga love scammers na nambibiktima ng mga Amerikano at Europeans para mag-invest sa pseudo cryptocurrency.

Binigyan sila ng quota at pinarurusahan tulad ng pagpu-push up at jump squats kapag hindi naka-quota.

Pinayagan lamang silang makauwi ng Pilipinas makaraang makapagbayad ng halos P90,000 sa naturang kumpanya.

Sinabi ni Tansingco na nag-ooperate pa ang sindikato na nag-recruit sa mga biktima kaya nagbabala siya sa mga Pilipino na mag-ingat kung sakaling may balak magtrabaho sa abroad.

AUTHOR PROFILE