Butuan Photo CAAP

Bagahe naiwan sa Butuan Airport, naglalaman ng pera, pagkain

April 20, 2025 Jun I. Legaspi 207 views
Butuan1
Photo CAAP

TINIYAK ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang kaligtasan at tuloy-tuloy na operasyon ng Butuan Airport matapos matagpuan ang isang iniwang bagahe sa pansamantalang waiting area ng mga pasahero sa parking zone ng paliparan Miyerkules, Abril 16.

Ang naturang bag ay nadiskubre nina SIC Isabelo Aparece at Security Guard Kenneth Bolivar, at agad na ini-report sa Philippine National Police – Butuan Airport Police Station (PNP-BAPS) at sa Aviation Security Unit 13 (AVSECU 13).

Bandang 7:42 ng umaga ay nagsagawa ng safety inspection ang mga security team. Pagsapit ng 8:01 AM, kinumpirma na ligtas ang bag at walang lamang pampasabog.

Natuklasang naglalaman ito ng ₱43,201.50, pitaka, pagkain, at mga personal na gamit. Kaagad naman itong ibinigay sa CAAP Security and Intelligence Service (CSIS) Communication Center.

Tiniyak ng CAAP sa publiko ang patuloy nitong pagtutok sa kaligtasan ng mga paliparan sa pamamagitan ng maagap na tugon at koordinasyon ng kanilang mga tauhan at katuwang sa pagpapatupad ng batas.

AUTHOR PROFILE