
Bag na may P50K isinauli ng airport cleaner sa Laguindingan Airport
ISA pang airport facility cleaner ang nagsauli ng naiwang bag ng pasahero ng eroplano at pinuri ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) dahil sa katapatan.
Naglalaman ng P50,000 cash ang bag na nakita ni Joshua Bustamante, isang airport facility cleaner, sa push cart sa arrival area ng Laguindingan Airport alas-7:20 ng umaga noong Lunes.
Agad na ipinaalam ni Bustamante sa airport management upang matukoy ang may-ari ng bag. Natuklasan na ang may-ari ng bag babalik na sa Lanao.
Ikinatuwa ni CAAP Area 10 Manager Engr. Job de Jesus ang pangyayari at patunay iyon na dapat pagkatiwalaan ang management ng mga paliparan sa bansa.
“His actions exemplify the highest standards of honesty and service we uphold.
Mr. Bustamante’s dedication and values inspire all airport employees, reminding us of the goodness and integrity present in our busy environment. We laud him for his honesty and swift action,” sabi ni de Jesus.