
Bading na stylist, dismayado sa baktol ng pinapantasyang young actor
DISMAYADO raw ang isang bading na stylist nang maging guest sa show nila ang isang guwaping na young actor na foreign sounding ang surname.
Matagal nang pinangarap ng bading na mabihisan ang young actor.
Natupad naman ang dream ng stylist. Naging guest nila ang baguhang aktor.
So, ang bading ang naatasang mag-ayos ng damit ng aktor.
Eh, matapos bihisan, inamoy ng bading ang damit na pinagbihisan ng young actor.
Napangiwi raw siya sa amoy dahil amoy baktol ito! Kaya naman naglaho bigla ang pantasya niya sa aktor!
Sinabihan din ang bading sa tsinikahan niya na baka dahil may lahi at baka pagod ang young actor kaya naiwan ang baktol sa ginamit na damit.
Basta, final na raw ang tugon ng bading na naglaho na ang lahat ng ilusyon niya sa young actor.