![Default Thumbnail](https://journalnews.com.ph/wp-content/uploads/2023/07/image.jpg)
Babae tinarakan todas; bag tinangay
DEDO agad ang babae ng pagsasaksakin at tinangay pa ang kanyang bag ng hindi nakikilalang salarin matapos bumaba ng motorsiklo sa Brgy. Niyugan, Laurel, Batangas noong Biyernes.
Ayon sa imbestigasyon, dakong alas-5:30 ng umaga ng pagsasaksakin ang babae ng biglang sumulpot ang suspek na sakay din ng motorsiklo.
Matapos ang insidente, tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo dala ang itim na bag ng biktima.