Default Thumbnail

Babae nasagasaan na, tinakasan pa; patay!

August 8, 2023 Gil Aman 288 views

PATAY ang isang babae matapos mahagip ng rumaragasang Spots Utility Vehicle (SUV) habang tumatawid sa National Highway ng Bgy. Anos, Los Baños, Laguna Lunes ng madaling araw.

Sa inisyal na imbestigasyon ng traffic police naganap ang insidente sa daan alas 5:00 ng umaga.

Kinilala ng Los Baños Police ang nasawi na si Anna Lorain Ramos.

Idineklarang dead-on-arrival sa Bay District Hospital ang biktima dahil sa malubhang mga sugat at pagkabali ng buto, ayon kay Dr. Anabelle Esguerra, attending physician.

Sa kasamaang palad, tinakbuhan pa ng nakabundol na puting SUV ang biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng traffic police naganap ang insidente sa daan alas 5:00 ng umaga.

AUTHOR PROFILE