
Babae inambush sa Quiapo, tigok
PATAY ang isang 41-anyos na babae makaraang tambangan at pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek sa kahabaan ng Norzagay at A Bautista Streets, Quiapo, Manila, Sabado ng gabi.
Nakilala ang biktima na alyas Laina, habang mabilis naman na nakaeskapo ang kalbong suspek na nakasuot ng puting shirt.
Ayon sa report ng pulisya, naglalakad ang biktima sa naturang lugar nang sumulpot ang suspek at pinaputukan ito bandang 9:30 p.m.
Isinugod ang biktima sa Jose Abad Santos General Hospital ng ilang mga tambay sa nasabing lugar, subalit ilang minuto pa lamang ang nakakaraan ay binawian na ito ng buhay
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga kapulisan sa lugar kung ano ang motibo sa pagpatay.