
B-day wish ni Alex tinupad ng pamilya
Natupad ang birthday wish ni Alex Gonzaga ngayong taon at proud niya itong ikinuwento in her latest Instagram post.
Noong January 16 ang kaarawan ng aktres/content creator at ipinasilip niya sa kanyang IG ang intimate birthday party niya kasama ang kanyang pamilya.
Sa caption ay sinabi ni Alex na happy siya dahil natupad ang request niya sa kanyang pamilya na money cake.
“My intimate birthday dinner with family. Yung malungkot ka nung birthday mo pero bigla ka sumaya noong binigay na ng pamilya mo yung reuqest mo na money cake,” sey ni Alex.
Makikita nga sa larawan na masayang hinuhugot ni Alex ang mga pera sa cake na may P1,000 and P50 bills.
Sa series of photos na ibinahagi ni Alex ay makikita rin ang kanyang pamilya, sa pangunguna ng asawa niyang si Mikee Morada, ang ate niyang si Toni Gonzaga at mister nitong si Paul Soriano with their kids, at ang kanyang parents na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy.
Nag-post din si Toni ng mga larawan sa birthday celebration ni Alex at ang simpleng caption niya ay “birthday dinner.”