Rose Larawan mula sa IG/Rose Van Ginkel

Awww my god!

June 28, 2024 People's Tonight 44 views

MAPAPA-“AWWW!” ang mga kelot sa nag-uumapaw na sex appeal ng singer-actress at model na si Rose Van Ginkel.

Tinapatan nga ng former member ng girl group na Pop Girls ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera nang magbihis ito bilang iconic character na si Marimar.

Kamakailan lamang ay kumasa si Rose Van sa viral challenge na “Marimar trend.” Bukod sa video, binulabog din niya ang social media sa ilang larawang ibinahagi sa Instagram.

Makikitang naka-Marimar outfit si Rose Van Gula-gulanit ang telang suot dahilan para masilayan ang kakinisan ng kanyang legs.

Mula kilikili hanggang sa kasingit-singitan ng kanyang patang malaman, wala kang makikitang anyo ng kadiliman.

Ibang klase kung magpatakam sa mga pose at facial expressions ang si Rose Van. Sarap kung sarap ang malalasap sa ibinubuga nitong awra.

Pinusuan naman ng netizens at binaha ng fire emojis ang nasabing post ni Rose Van.

Ayon pa sa kanila, swak na swak bilang bagong Marimar si Rose Van. Binansagan pa nga siya ng isang netizen bilang “The most sultry Marimar of this generation!”

AUTHOR PROFILE

Sexiest Pinay

SHOW ALL

Calendar