Awra Larawan: Awra Briguela/IG

Awra Briguela ‘ka-vogue’ ang Christmas outfit

December 21, 2023 People's Tonight 672 views

Barbie yarn? Doll fantasy ang atake ng komedyante at aktor na si Awra Briguela sa kanyang bagong in-upload na larawan sa Instagram.

“Christmas is just around the corner,” caption nito kalakip ang kanyang ma-awrang outfit.

Sa larawan, suot ng “Here Comes the Groom” star ang isang white Barbie-inspired outfit, glitter gloves, at isang white ribbon.

“Wow, Ganda!” komento naman ng social media personality na si Mika Salamanca.

“Princess,” dagdag pa na komento ng taga-hanga ni Awra. Nagkomento naman ng maraming white heart icon ang sisteret nitong si Zeinab Harake.

Bukod sa IG post, ini-story din ni Awra ang kanyang Christmas outfit habang nagda-dub n ng isang kanta. Tila ready na ready na ang aktor na salubungin ng masaya ang pasko at bagong taon.

AUTHOR PROFILE