
Ate Vi, pinahirapan ng Covid
“COVID got me,” ang rebelasyon ni Star for All Seasons Vilma Santos-Recto sa kanyang Vilmanians and Instagram followers last Nov. 2, a day before her birthday, Nov. 3.
Ayon kay Ate Vi, ito ang dahilan kung bakit nawala siya for a while sa kanyang social media accounts.
Pagbabahagi niya sa kanyang video na ipinost, “long covid” ang dumale sa kanya.
“Ibang klase po ‘yung COVID ko, negative na ‘ko, pero ito ho daw ‘yung tinawag nilang ‘long covid.’ ‘Yung nagkaroon ng mga complication. I had an asthma attack, and then, nagkaroon po ng mga fluctuating BP, headache,” aniya.
Napakaingat na nga raw niya pero talagang nadale pa siya.
“Kahit na po anong ingat ang ginawa ko, nakuha pa rin po ako ng COVID. So, ang advice po ng mga doctor sa akin, I really had to rest. Kailangan, medyo rest lang muna.
“Because, alam naman nating lahat na 35 years old na ‘ko,” biro pa niya, “so kailangan talaga, extra ingat. So, I’m trying my very best to ge back into the groove. So, pagbigyan n’yo muna ‘ko, ha?
Pero ngayon, I’m trying my very best.”
Kasunod nito ay nagpaalala si Ate Vi sa lahat na maging maingat pa rin dahil hindi pa nga nawawala ang COVID-19 virus.
“Gusto ko lang pong ipaalala sa inyong lahat, please, please… COVID is still here at lalo na po sa mga katulad ko po na sa mga edad ko na mga senior, you really have to be careful.
“Hindi po talaga madali. Maski po ako nahirapan and I’m trying my very best still to get well at this point in time,” aniya.
Sinamantala na rin ni Ate Vi ang pagkakataon para magpasalamat sa mga doktor at nurses na nag-aalaga sa kanya, gayundin sa lahat ng bumati sa kanyang kaarawan, especially ang kanyang Vilmanians.
Sa comment section ay dumagsa ang mga birthday greeting kay Ate Vi at mga “get well soon” messages.
Nag-upload din siya ng isang maikling video ng bouquet of red roses at white orchids mula sa asawang si Cong. Ralph Recto.
Aniya, “Hi, Papa! Thank you very much for the flowers. You always make my birthday extra special. You know, I always pray to God to keep our family really intact and always together. You know, Papa, to be loved by you is your greatest and continuing gift to me. Love you, Papa!”