
Ate Guy paglalamayan sa Heritage Park… ililibing sa Libingan ng mga Bayani
Ngayong gabi, April 17 ay magsisimula na ang viewing sa mga labi ng Superstar at National Artist for Film na si Nora Aunor.
Pumanaw si Ate Guy kahapon, Miyerkules, April 16, sa edad na 71.
Ayon sa Instagram post ng panganay na anak ni Ate Guy na si Lotlot de Leon, gaganapin ang funeral wake sa The Chapels, Heritage Park sa Taguig.
Magsisimula ng 7 p.m. hanggang 12 midnight ang family viewing ngayong gabi at magkakaron ng mass ng 8 p.m.
Magkakaroon naman ng public viewing bukas, April 19, at sa April 20, Saturday, from 10 a.m. to 5 p.m.; 5 p.m. to 12:00 midnight will be for family and friends. Mass will be at 7 p.m.
Ang last day ng wake ay sa Sunday, April 21, at magkakaroon ng viewing for family and friends ng 1 p.m. hanggang 12 mn. Mass will be at 7 p.m.
Bilang isang National Artist, nakatakdang ilibing ang mga labi ni Ate Guy sa Libingan ng mga Bayani.
Gaganapin ang libing sa April 22, Monday.
Magkakaroon din ng State Funeral para sa yumaong Superstar at to be announced pa ang detalye.