Nora6 Nora Aunor

Ate Guy may dalawang pelikula pang nakabangko

April 21, 2025 Jun Nardo 165 views

NGAYONG Martes ang huling araw sa mundo ng Superstar na si Nora Aunor. Ililibing ang mga labi niya sa Libingan ng mga Bayani bilang National Artist complete with military honors.

Nakidalamhati ang buong mundo sa pagpanaw ni Ate Guy lalo na ang fans niya abroad at newspapers/broadcast media.

Sa local showbiz, kanya-kanyang kuwento ang inilabas ng mga natulungan niya noon at hanggang sa mamatay siya.

Huling napanood si Nora sa pelikulang “Mananambal.” Dalawang movies na nagawa na niya ang hindi pa ipinalalabas, ang “Kontrabida” at “Pieta.”

Sana’y tangkilikin ng mga tao ang dalawang pelikula upang mas lalong maging masaya si Nora sa kabilang buhay.

You will be missed, Ate Guy…

PUMALAG

PINALAGAN at pinayuhan ng entertainment reporter at talent manager na si Ogie Diaz ang planong pabahay sa bawat Pilipino ni Las Pinas Rep. Camille Villar dahil ayon sa kanya, mas magandang unahin ang serbisyo ng PrimeWater na pag-aari ng Villar family.

“’Wag kang mangako ng pabahay para sa bawat pamilyang Pilipino. Baka puwedeng tulungan mo na lang ang mga kababayan mong magkaroon ng sapat at tuluy-tuloy na tubig mula sa PrimeWater na pag-aari din naman ninyo.

“Kawawa ang mga customers niyo po. Bigla tuloy nagkaroon ng Project Uhaw bilang pantapat sa kahinaan at kamahalan ng singil ng PrimeWater,” saad ni Ogie sa Facebook.

Ayon pa kay Ogie, wala pa ring aksyon ang mga kumpanya ng Villar sa reklamo ng mga customer ng PrimeWater sa iba’t ibang panig ng bansa.

“Juice ko, kahit nga sa Tagaytay, grabeng jakpatan din kung may tulo o wala. Ang mahal na nga ng singil, ang dalang pa ng tulo!”wika pa ni Ogie.

Nagresulta ang post sa kabi-kabilang reklamo mula sa mga customer ng PrimeWater sa Tarlac, Camarines Norte, Cavite, Laguna at Bulacan.

AUTHOR PROFILE