Krishna Larawan: Roxie Smith/IG

At its finest

May 12, 2024 People's Tonight 212 views

TALAGA namang pink na pink ang sexy star na si Roxie Smith dahil sa suot niyang dress na nagpakita pa lalo ng kanyang hubog at ganda ng kutis ng kanyang balat.

“A little pink princess moment,” bahagi ng kanyang caption sa post nito sa kanyang Instagram. Ang post ay naglalaman ng limang larawan, na nagpapakita ng pak na pak na awra ng dalaga.

Tila satisfied naman ang netizens lalo na ang kanyang mga tagahanga sa update ni Roxie. Inulan ng heart, fire, at praise emoji ang naturang post.

Narito ang ilang komento nila: “Have mercy”;”At its finest talaga!”;”Sobrang oa na ng ka gandahan mo teh.”

AUTHOR PROFILE