Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz

AshLloyd, balik-tambalan sa 2024

December 23, 2023 Ian F. Fariñas 480 views

Heaven and Marco

Atasha Muhlach

Kaway-kaway sa AshLloyd fans dahil buhay na buhay ang tambalang Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz sa pelikulang Safe Space na ipapalabas ng Viva Films sa Agosto, 2024.

Ang AshLloyd reunion movie ay parte ng malalaking handog ng kumpanyang pag-aari ni Boss Vic del Rosario sa susunod na taon.

Bawat buwan, maglalabas ang Viva ng malalaking pelikula.

Una na sa listahan ang My Zombabe nina Kim Molina at Empoy Marquez, na susundan naman ng Roadtrip ng real-life barkadahan nina Janice de Belen, Carmina Villarroel at Candy Pangilinan.

Nariyan din ang Raging Grace, na pinagbibidahan ni Max Eigenmann, Itutumba Ka ng Tatay Ko, starring Janno Gibbs at My Sassy Girl, kung saan magkakasama sina Toni Gonzaga at Pepe Herrera.

Meron ding Hollywood at Korean movies na ilalabas ang Viva: The Bricklayer, starring Aaron Eckhart; at Our Season, starring Park Sung Woong.

Para ipagdiwang ang Buwan ng Pag-ibig, magsasama sina Aga Muhlach at Julia Barretto sa Ikaw Pa Rin ang Pipiliin Ko.

Magbibigay-kilig din sina Alden Richards at Heaven Peralejo sa Out of Order. Isang JoshLia (Joshua Garcia-Julia Barretto) movie rin ang ipalalabas sa Pebrero, at isang Korean action-comedy na Brave Citizen.

Sa Marso, nakatakdang ipalabas ang Isang Gabi nina Colleen Garcia at Diego Loyzaga, Pagpag 24/7 at Dearly Beloved nina Cristine Reyes at Baron Geisler.

Sa Abril, nandiyan ang Glimpse of Forever nina Jasmine Curtis-Smith at Jerome Ponce at Elevator, starring Kylie Verzosa and Paulo Avelino.

Sa May, ididirek ni Xian Lim ang horror film na Kumanthong; sina Jerald Napoles at Janno naman ang bibida sa Tito X Tita habang sina Diego Loyzaga at Rhen Escaño ay magtatambal sa Bullet Day.

Pagpasok ng Hunyo, mapapanood ang kauna-unahang pelikulang magkasama ng mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo na Wonderful Nightmare. Samantala, magpapakilig muli si Heaven kasama si Marco Gallo sa Men are from QC, Women are from Alabang.

Ipalalabas ng Viva Films ang Ang Tatlong Pinakamahabang Gabi sa Hulyo, na pagbibidahan ni Alessandra de Rossi. Ipalalabas din sa buwan na ‘yon ang Ang Sampung Utos kay Josh.

Magbabalik-tambalan naman sina Carlo Aquino at Julia sa In Love with a Psychic Girl matapos ang kanilang hit 2022 movie na Expensive Candy.

Pagpasok ng Ber months, nandiyan muli si Kim Molina sa pelikulang Pak Girl! Landi with a Heart kung saan makakatambal niya si Wilbert Ross, at makakasama naman niya ang real-life partner na si Jerald sa Best Before Love.

Ang ilan pang dapat abangan ay ang Sword’s Up, ang film debut ng unica hija nina Aga at Charlene na si Atasha Muhlach; Playtime, Raphaella at Dwellers nina Kim Chiu, Bela Padilla at Sid Lucero.

Lalong magiging exciting ang 2024 sa pelikulang pagsasamahan nina Bela, Jodi Santamaria at Aga.

Sa mahigit na apat na dekada ng paggawa ng mga de-kalidad na pelikula, tuluy-tuloy pa rin ang Viva Films sa pagtaguyod sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Sa 2024, mas marami pang pelikulang ipalalabas sa mga sinehan kaya balik-sinehan na.

AUTHOR PROFILE