Ashley

Ashley, handang ma-bash ng KimXi fans

March 15, 2023 Vinia Vivar 357 views

Walang dapat ikabahala ang KimXi fans nina Kim Chiu at Xian Lim kay Ashley Ortega, leading lady ng aktor sa GMA series na Hearts On Ice.

Mismong si Kim ay suportado ang boyfriend at binati pa nga niya ang dalawang bida ng serye sa world premiere nito last Monday.

Ipinost ni Kim sa kanyang IG Story ang teaser ng serye at sey niya, “Congratulations @xianlimm, @ashleyortega.”

Nabanggit nga ni Ashley sa isang panayam na inaaway na nga siya ng bashers dahil sa tambalan nila ni Xian, pero aniya, handa siya na ma-bash.

“Ay, naku, ready na po ako! Hindi pa nga nagsisimula ‘yung show, inaaway na nila ako. I supported their movie, sila ni Xian, nanood ako ng premiere ng movie nila sa Megamall.

“May mga natatanggap na akong comments pero dedma na lang. Hindi naman ako nagpapaapekto sa kanila,” pahayag ni Ashley.

ICONIC PHOTO

Halos patapos na ang shooting ng pelikulang Pieta na pinagbibidahan nina Nora Aunor at Alfred Vargas kaya malaki ang posibilidad na maipalabas ito ngayong Mayo in celebration of Mother’s Day.

Bilang producer din ng pelikula ay abut-abot ang pasasalamat ni Alfred na nabigyan siya ng pagkakataong makatrabaho at mapagsama-sama sa iisang pelikula ang mahuhusay nating aktres sa industriya.

Bukod kay Ate Guy ay kasama rin sa Pieta sina Gina Alajar at Jaclyn Jose na ngayon lang talaga nagsama-sama sa isang pelikula.

Nag-post si Alfred sa kanyang Instagram page ng larawan nila nina Ate Guy, Gina at Jaclyn at sa caption ay ipinahayag niya kung gaano siya ka-proud na makatrabaho ang tatlong great actresses of all time.

“This might be one of the most iconic photos that I’ll ever be a part of. To be seated alongside three titans of Philippine Cinema… to be performing with them in PIETA… is a life’s honor.

“Pangarap ito ng bawat artistang Pilipino. Pangarap ko ito kahit ako ay baguhan pa lamang noon. Natupad na ngayon! Thank you, Lord!” pahayag ni Alfred.

“I just feel so happy & blessed to be a part of the #PIETAmovie —a film that brings together National Artist & Superstar Nora Aunor @noravillamayor67 & our multiple best actress awardees in both local and international cinema, Ms @ginalajar & Ms @jaclynjose

“Thank you, Direk @aalixjr, for giving flesh to our vision! Thanks for putting this together!” ang caption ni Alfred.

Ang Pieta ay mula sa direksyon ni Adolf Alix Jr.

AUTHOR PROFILE