
Arjo tatlong anak ang gusto sa kanila ni Maine
HINDI naging madali para kay Arjo Atayde maging sa kanilang pamilya ang relasyon nila ni Maine Mendoza dahil nakatanggap sila ng katakut-takot na bashing mula sa mga fans nina Alden at Maine as if sila ang magde-desisyon kung kanino sila (Alden and Maine) magi-end-up with. Pero parehong pinangatawanan nina Maine at Arjo ang kanilang pagmamahal para sa isa’t isa hanggang tumigil na rin sa wakas ang kanilang mga bashers.
Mahigit apat na taon din ang naging relasyon ng dalawa bago nag-desisyon ang award-winning actor at politician na si Arjo na mag-propose kay Maine na kanyang itinaon nung July 28, 2022 and a year later on same date, July 28, 2023 ay nagpalitan ng “I Do’s” ang dalawa sa kanilang star-studded wedding in the Summer Capital of the Philippines, Baguio City.
Ang mga principal sponsors ay pinangunahan ng+ President-CEO ng ABS-CBN na si Carlo Katibak, dating President-CEO ng TAPE, Inc. na si Antonio `Tony’ Tuviera, sina former Sen. President Tito Sotto, Vic Sotto and Joey de Leon, and head ng Dreamscape Entertainment na si Deo Endrinal, House Speaker Martin Romualdez, Senate President Migz Zubiri at Miguel Jose Atayde.
Kasama sa mga tumayong ninang ay ang President-CEO ng Beautederm, Madeleine B. Tuviera, Jeny Ferre, Celeste Tuviera, Novelita Gallegos, Jinky Jane Lacorta, Maria Cecilia Soriano, Maria Socorro Valenzuela, Rosabella Fernandez at Hon. Maria Josefina Alimurung. Ang tumayong Best Man ay youngest brother ni Arjo na ssi Juan Arturo Xavier Atayde habang ang Matrons of Honor ay dalawa sa mga kapatid na babae ni Maine na sina Nicolette Ann Catalan at Nicoleen Dyann Cruz.`
Naging bahagi ng Groomsmen sina Joseph Marco at Enchong Dee na kinabibilangan din nina Gabriel Martin Enrique Atayde, Luis Miguel Ramon Atayde, Ramon Jose Almario, Alfred Joseph Almario, Jaime Ripoll, Landon Louie Leoncio, Paolo Eduardo Stefan Alino, Ivan Roe Luigi Villamar at Enrique Jose Laurel. Ang mga Bridesmaids naman aay binubuo nina Kristine Hermosa, Maja Salvador, MJ Lastimosa, Ciara Sotto at Sheena Halili, Janicka Cristine Mendoza, Vittoria Francesca Santos, Gil Aguidan, Jr.
Ang Secondary Sponsors ay binubuo nina Nicodeim Dean Mendoza and Maria Angela Atayde (Gela) sa Candle, Ramon Atayde, Jr. and Marie Sophia Atayde sa Veil at sina Nicolas Dynn Mendoza at Priscilla Krishna Mendoza sa Cord. Ang mga Flower Girls naman ay sina Maria Anita Catalan at Perlita Flores.
Bago ang kasal nina Maine at Arjo ay nag-host ang ina ng actor-politician, ang veteran actress na si Sylvia Sanchez ng pajama-themed bridal shower for Maine.
Ngayong official nang mag-asawa ang dalawa, nadagdagan ng anak na babae ang pamilya Atayde habang si Arjo naman ang bagong karagdagan sa pamilya ni Maine.
Kung si Arjo ang masusunod, gusto niyang magkaroon sila ni Maine ng tatlong anak.
Kathryn tatanggap ng award sa Seoul
ANG tinaguriang Asia’s Superstar at box office star na si Kathryn Bernardo ang tinanghal na Outstanding Asian Star 2023 ng Seoul International Drama Awards na nakatakdang ganapin sa Seoul, South Korea sa darating na September.
Kathryn started out in showbiz as a child actress nang siya’y maging bahagi ng top-rating kiddie gag show, ang “Goin’ Bulilit”.
It was in 2012 nang kanyang pagbidahan ang TV series na “Princess and I” kung saan niya nakatambal ang tatlong teen leading men na sina Daniel Padilla, Enrique Gil at Khalil Ramos pero silang dalawa ni Daniel ang nag-click sa mga fans.
Nung May 12, 2012 ay naging magkasintahan sina Kathryn at Daniel when they were both in their teens ay nung nakaraang May ay nag-celebrate ang dalawa ng kanilang 11th anniversary bilang magkasintahan but they are not rushing to settle down dahil pareho pa silang busy sa kanilang respective career. Maybe when they’re both in their early 30’s.
Naging top loveteam ang KathNiel nina Kathryn at Daniel magmula nang sila’y magtambal sa “Princess and I,” na sinundan ng iba pa nilang hit TV series tulad ng “Got To Believe,” “La Luna Sangre,” “2 Good 2 Be True” at sa mga box office hit movies tulad ng “She’s Dating the Gangster,” “Can’t Help Falling In Love,” “Barcelona: A Love Untold” and the “How’s of Us” among others. Ito’y bukod pa sa kanilang mga solo projects with other partners.
Kathryn is 27 at 28 naman si Daniel.
TVJ may karapatang mag-celebrate ng 44th anniversary MODIFIED ang popular game segment na “Pinoy Henyo” ng new “Eat Bulaga” at ginawa na itong “Word of the Ring” at “Tama o Mali” ang sagot ng contestant na siyang humuhula ng word.
Ang “Pinoy Henyo” ay isa sa mga original concepts ng isa sa mga production executives ng old “Eat Bulaga” na si Jenny Ferre na kasama na ngayon nina Tito, Vic & Joey sa kanilang bagong noontime program na “E.A.T.” on TV5.
Samantala, ang “E.A.T.” on TV5 nina Tito, Vic & Joey ang siyang may karapatan mag-celebrate ng kanilang 44th year anniversary supposed to be ng old “Eat Bulaga” na nagsimula sa ere nung July 30, 1979.
Although may ongoing legal battle sa pagitan nina Tito, Vic & Joey at ng TAPE, Inc. na siyang producer ng “Eat Bulaga” noontime show na ang titulo was coined by Joey de Leon, one third of TVJ, confident ang TVJ na mababawi pa rin nila ang kanilang original title na “Eat Bulaga.
Since kakakasal lamang ni Maine Mendoza last Friday, July 28 sa mister na nito ngayong actor-politician na si Arjo Atayde, absent muna ito sa “E.A.T.” ng TV5 maging si Maja Salvador na ang kasal naman ay mangyayari ngayong Lunes, August 31 sa kanyang fiancé, ang businessman na si Rambo Nunez. Babalik lamang siguro ang dalawa sa noontime program ng TVJ after their respective honeymoons.
SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel and hit the bell icon for notification. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitte@aster_amoyo.