
Arjo Atayde inendorso ng INC
INENDORSO ng Iglesia Ni Cristo (INC) si Arjo Atayde sa kandidatura nito bilang Congressman ng 1st District ng Lungsod Quezon.
Si Atayde ang pambato sa Kongreso ng #TeamAksyonAgad sa ilalim ng grupo ng incumbent QC (Quezon City) Mayor Joy Belmonte.
Ilan sa mga adhikain ni Atayde sa kanyang plataporma ay edukasyon, pangkabuhayan, kalusugan, at pagsulong sa mga karapatang pang-tao ng mga kababaihan, kabataan, at mga miyembro ng LGBTQ+ (lesbian, gay, bisexual, transgender, and queer). community.
“Taos puso po akong nagpapasalamat sa INC sa kanilang tiwala at suporta sa aking pangarap na mapagsilbihan ang aking mga kababayan sa Unang Distrito ng Quezon City,” payahag ni Atayde na nangunguna sa unang distrito ng nasabing lungsod.
“Ilang araw na lang po ay eleksyon na at hinihikayat ko po ang lahat na bumuto ng tama. Nasa kamay po nating lahat ang kinabukasan ng ating bayan at nawa’y patnubayan ng Panginoon ang nalalapit na eleksyon. Panalangin ko po ang mapayapa at tapat na eleksyon at sanay mailuklok ng mga tao ang pinaka-nararapat na mga mamuno para sa ikauunlad ng lahat,” dagdag ni Atayde.