POCC

Ari-arian ng Luck South 99 Corporation naka-freeze na

June 20, 2024 Chona Yu 319 views

NAKA-FREEZE na ngayon ang lahat ng ari-arian ng Luck South 99 Corporation sa Porac, Pampanga.

Ito ay matapos ipag-utos ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa Anti-Money Laundering Council (AMLAC) na pigilin ang mga ari-arian nito.

Ginawa ang pag-freeze sa mga ari arian matapos halughugin ng mga tauhan ng PAOCC ang naturang Pogo hub noong Hunyo 4 dahil sa illegal na mga aktibidad kung saan nadiskubre din ang ilang military Chinese uniforms.

Sa memorandum na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, chairman ng PAOCC, sakop ng freeze order ang lahat ng assets na nasa loob ng Lucky South 99 partikular na ang 46 na gusali sa loob ng compound.

Ganun din ang mga nakaparang sasakyan sa loob ng compound , habang pinatutukoy din sa AMLAC ang iba pang assets na maaaring isama sa freeze order.

Matatandaan na ikinandado ng PAOCC kamakalawa ang lahat ang ilang gusali at mga sasakyan sa Lucky South 99 matapos ang kanilang pag iinspeksyon at pagpapatupad ng search warrant doon.

PInag-aaralan na rin ng pamahalaan ang pagsasampa ng forfeiture case laban sa mga operator at may-ari ng Pogo hub para matukoy kung ano ang maaaring mangyari sa mga nasabing pasilidad.

AUTHOR PROFILE