
Arci balak magpa-freeze ng eggs at 36
Aminado si Arci Munoz na nape-pressure na rin siya na hanggang ngayon ay wala pa siyang sariling pamilya. She’s 36 at aniya, lahat ng kapatid niya ay married na.
“Nape-pressure ako, siyempre, ‘di ba? All my siblings are married and they all have their family, they have kids,” aniya nang makausap ng press sa mediacon ng pelikula niyang “Sinagtala.”
“As of the moment, I am the best ninang. Okay na muna ko do’n. Kasi para na ‘kong may mga anak sa mga pamangkin ko.”
Pero siyempre, gusto rin daw niyang magkaroon ng sariling pamilya. She revealed na pinaplano na niyang magpa-freeze ng eggs niya para magkaroon ng anak.
“In the future, of course, I wanna be a mom,” sey pa niya.
Sa ngayon kasi ay single siya at matagal na rin siyang walang love life.
“Ako ngayon talaga, si Lord na lang talaga. Wala na, nag-let go na ako. Ayoko na rin talagang magplano. Ayoko na ring ma-pressure. Sobrang kumakapit ako sa faith ko kay Lord. Na kung anuman ‘yung plano Niya para sa ‘kin, Lord just direct me there,” anang aktres.
Pero siyempre, hangga’t maaari, gusto naman niya na may partner siya at hindi baby lang.
“Lord, gusto ko naman ng partner sa buhay,” sambit ni Arci.
‘Yun nga lang, mataas kasi ang standards niya at ang gusto niya ay katulad ng Papa niya na mahirap hanapin. The best daw ang kanyang ama at talagang pinalaki sila nang maayos. Kung anuman siya ngayon ay dahil daw sa kanyang tatay.
Samantala, isa sa mga bida ng “Sinagtala” si Arci at kasama niya rito sina Glaiza de Castro, Rhian Ramos, Matt Lozano at Rayver Cruz.
May pagka-musical ang pelikula dahil members silang lima ng isang banda at may mga performance sila rito.
Sey ni Arci, first time niyang gumawa ng ganitong klase ng film kaya naman sobrang excited siya.
“Everything that’s new for me and challenging, talagang I look forward to doing it, eh. And also, nu’ng nalaman ko kung sino ‘yung mga kasama ko na very talented people talaga, very talented artists, not only in acting but also as singers, so ‘yun po talaga. It’s the excitement na makakabalik ako uli sa paggawa ng pelikula after so long.
“And maganda ‘yung kwento, napakaganda talaga ng kwento, I’m not exaggerating,” aniya.
Showing na sa mga sinehan ang “Sinagtala” sa April 2 mula sa direksyon ni Mike Sandejas.