
Apple Dy, Angeli nagpatikim sa Instagram
GAME na game umindak ang mga aktres ng Vivamax na sina Apple Dy at Angeli Khang ng kumasa sila sa viral challenge na “Marikit Sa Dilim” TikTok dance “with a twist” dahil bida rito ang kanilang kaseksihan.
Sanib-pwersa ngang pinainit ng sexy stars ang social media sa isang video na ibinahagi nila sa Instagram.
“Tinitigan ko nilapitan ko,” ayon sa maikling caption ni Apple na ibinase sa lyrics ng nasabing kanta.
Mapapanood ang dalawa na enjoy sa kanilang pagsayaw suot-suot ang itim (Angeli) at puti (Apple) nilang two-piece swimsuit habang nasa isang beach.
Hindi lang steps ang kinabisado ng mga barako sa video, maging ang ibinanderang cleavage at curvaceous body nina Apple at Angeli ay kanilang tinutukan.
Pati nga sa comment section ng nasabing post ay hindi lang mga Pinoy na kelot ang nakaramdam ng init, dinumog din ng international fans ng dalawa ang kanilang post.
Nakilala si Angeli sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Mahjong Nights (2021), Us x Her (2022) at Eva (2021). Samantala si Apple naman ay nakilala sa kanyang mga pagganap sa mga pelikulang tulad ng Karinyo Brutal (2024), Punit na Langit (2023), Tuhog (2023) at Patikim-Tikim (2023).