Default Thumbnail

Antique niyugyog ng 4.1 na lindol

October 10, 2022 Jun I. Legaspi 326 views

NIYUGYOG ng magnitude 4.1 na lindol ang Antique, Lunes, Oktubre 10, 2022, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa monitoring ng ahensya, ang sentro ng pagyanig ay nasa may 011 kilometro ng timog silangan ng Anini-y, Antique.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol at umaabot sa 017 kilometro ang lalim ng lupa ng naturang lindol.

Bunsod nito, naramdaman ang pagyanig sa lakas na Intensity 4 sa Anini-y, Antique at Intensity 3 sa Tobias Fornier, Antique.

Wala namang inaasahang aftershocks at wala ding naiulat na pinsala kaugnay ng pagyanig.

AUTHOR PROFILE