
ANTIPOLO SEA-TY GIANT CHRISTMAS TREE LIGHTING
Pinangunahan ni Antipolo City Mayor Jun Ynares ang pag-iilaw ng 55-feet tall na higanteng Christmas tree sa Sumulong Park. Ito ay gawa mula sa 14,000 PET bottles bilang patuloy na suporta sa YES to Green Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal. May temang “Under the Sea” parte din ito ng kampanya ng lokal na pamahalaan upang pangalagaan ang ating Inang Kalikasan lalo na ang ating mga daluyang tubig. Bagaman nasa mataas na lokasyon, ang Antipolo ay bahagi ng Manila Bay Watershed gayundin ng Upper Marikina River Basin Protected Landscape.
“Ang ating Christmas tree ay sumisimbolo hindi lamang sa masayang pagdiriwang ng pagkapanganak ng ating Panginoon kundi isa na rin paalala sa ating mga kababayan na pangalagaan ang ating kapaligiran, pahayag ni Mayor Ynares.