Antipolo

ANTIPOLO MOST BUSINESS-FRIENDLY COMPONENT CITY

November 6, 2023 People's Tonight 322 views

Muling itinanghal na MOST Business-Friendly Component City ang Antipolo sa buong bansa. Tinanggap ng Antipolo City LGU ang naturang award mula sa kinatawan ni Pangulong Bong Bong Marcos at pamunuan ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) sa ika-49 na Business Conference sa Manila Hotel. Kamakailan lamang ay kinilalang muli ang Antipolo bilang Overall Top 3 Most Competitive Component City sa Pilipinas. Patunay lamang ng patuloy na pag-unlad at mabuting pamamahala dito. “Tayo po ay nagpapasalamat sa mga pagkilala na ibinibigay sa Antipolo. Makakaasa po kayo na mas pag-iibayuhin pa natin ang paglilingkod bilang sukli sa tiwala at suporta ng ating pamahalaang nasyonal, private sector partners at mga mamamayan,” ani Mayor Jun Ynares

AUTHOR PROFILE