Default Thumbnail

Annual medical check-up sa lahat ng Pinoy

July 5, 2021 Marlon Purification 566 views

Marlon PurificationPREVENTION is better than cure’.

Madalas nating naririnig sa mga doktor o sinumang may adbokasiya ng mabuting kalusugan para sa lahat.

At ito rin marahil ang nais ni Senador Sonny Angara sa patuloy na pagsusulong na mabigyan ng libreng taunang medical check-up ang lahat ng mamamayan upang maagapan ang anumang critical ailments.

Sinabi ni Angara na marami pa rin sa mga Pinoy ang hindi regular na nagpapacheck up at napipilitan lamang magpatingin sa mga manggagamot kapag mayroon nang malalang nararamdaman.

“Undergoing annual medical check-ups are considered as essential especially at this time when we are facing a pandemic that has already resulted in the deaths of over 20,000 individuals and the infection of close to 1.4 million in our country. Early detection of potentially deadly ailments such as heart diseases or diabetes can save lives,” saad ni Angara.

Isinusulong ni Angara ang Senate Bill 2297 upang mabigyan ang bawat Filipino ng free annual medical check-ups bilang bahagi ng benepisyo sa ilalim ng Universal HealthCare Law.

Nakasaad sa panukala na lahat ng Pinoy ay awtomatikong miyembro ng National Health Insurance Program, upang mabantayan ang kanilang kalusugan.

Sasagutin ng Philhealth ang laboratory at diagnostic examinations.

“The right to health is a fundamental right and as such no Filipino should be deprived of basic health services. Every Filipino, rich or poor, should have access to these annual check-ups and consultations with physicians,” diin pa ni Angara.

“This is a win-win for both the government and the Filipino people. We help Filipinos in addressing their most immediate health concerns and promote a healthy lifestyle while also easing the growing cost of healthcare in the country,” dagdag ng senador.

Kung magiging libre ang annual checkup, tunay na mapapangalagaan ang kalusugan ng ating mamamayan.

Alam naman natin na marami sa ating mga kababayan ang takot, hindi sa kanilang mga maaaring sakit kundi mismong sa gastusin sa pagpapacheck-up.

Ang nakalulungkot pa, karamihan sa ating mga kababayan ay may maling paniniwala na gumagawa lang anila ng pera ang ilang manggagamot para sabihin na sila’y may sakit. Paniwala pa ng ilan, malakas pa sila sa kalabaw at ang masaklap, saka na lamang nila nalalaman ang kanilang karamdaman kung ito’y malubha na.

Kaya sa ganing akin, maganda ang panukalang ito ni Senador Sonny. Napapanahon ito at dapat mapagtibay sa lalong madaling panahon ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso.