Anne Mga larawan: Anne Curtis/FB

Anne pinaiyak ng pelikula; netizens may napansin

October 20, 2023 People's Tonight 359 views

MASYADONG nadala sa isang pelikula ang television host na si Anne Curtis matapos nitong ipakita na naiyak siya habang nanunuod.

Sa kanyang Facebook post, nag-upload siya ng tatlong larawan: dalawang movie stills at kanyang selfie na namumula ang mata dahil sa luha.

“Never fails to wreck me,” caption ni Anne. Ang tinutukoy nito ay ang pelikulang “Atonement,” isang romantic war drama film ni Joe Wright.

Habang ang ilang netizens ay relate na relate kay Anne sa sakit na dala ng kwento ng pelikula, ang ilan naman ay napansin.

Anang netizens, umiyak din naman daw sila sa pelikula pero hindi nila naging kasing-ganda si Anne kapag lumuluha.

“Umiyak din naman ako pero di ganyan ka ganda,” komento ng isang netizen.

“Bat pag ako umiiyak hindi ganyan ichura ko?” dagdag pa ng isa.

“Hay nakuuuu bi! bat pag ako umiyak di ganyan kaganda,” sey naman ng isang Facebook user.

AUTHOR PROFILE