Anjo

Anjo at Jomari, nagkaayos na

January 17, 2024 Ian F. Fariñas 130 views

BATI na ang magkapatid na Anjo at Jomari Yllana matapos ang dalawang taon na hindi pagkakaunawaan.

Nangyari ang pag-aayos nu’ng bisperas ng Bagong Taon, Dec. 31, 2023.

Sa grand mediacon ng Itutumba Ka ng Tatay Ko, na pinagbibidahan nina Anjo, Janno Gibbs at Xia Vigor, ikinuwento ng aktor-politiko na siya ang lumapit at bumati sa nakababatang kapatid.

“Hi, Jose (tawag ni Anjo kay Jomari)” raw ang bungad niya na sinagot naman ni Jomari ng, “Hi, kuya.”

Simple lang ang eksena dahil umano nagkakailangan pa sila.

At dahil kasama ni Jomari ang misis na si Abby Viduya, sinamantala na ni Anjo ang pagkakataong batiin ang bagong mag-asawa na ikinasal sa Las Vegas last year.

Hindi man daw sila naging close agad nu’ng gabing ‘yon, para kay Anjo, sapat nang na-break ang katahimikan sa pagitan nila.

“We had Media Noche then after nu’n, kasi may sakit ako, eh, nagpaalam na ako after one hour. Ang mommy ko lang sobrang happy kasi sabi niya ‘sobrang saya ko dahil bati na ‘yung dalawa kong anak,’” dagdag na kwento ni Anjo.

Nang usisain ng press sa iba pang detalye, ang sabi ng komedyante, “Ano lang, kwentuhan lang. Nothing serious. Ayoko rin naman nu’ng ganu’n. ‘Pag bati, bati na. Kumbaga, nu’ng araw, ‘di ba, ‘pag nag-away kayo sa eskwelahan, ‘pag bati na, bati na. Hindi na pinag-uusapan ang mga nangyari.

“Walang sorry and sa akin, okay na ‘yon dahil two years na rin kami hindi nag-usap and my mom was suffering and deep inside naman kinalimutan ko na ‘yon after mga three-four months after nangyari ‘yung insidente.

“Eh, wala, siguro bilang panganay na naging anak-anakan ko ‘yang mga ‘yan, eh, kumbaga, ako na ‘yung lumapit, bumati para, eh, ganun, eh. Siguro ‘yung ano lang, ‘yung situation called for it and I was parang willing to forget the past na. Magkaayos na kayo. Ang hindi ko lang inaasahan nu’n, ‘yung sinabi ng mommy ko na sobrang saya siya. Kaya naano rin ako nu’n, eh, naawa ako sa mommy ko dahil hindi ko alam na nagsa-suffer pala siya nang matagal, all the time. Na hindi niya lang sinasabi so parang wala siyang sina-side-an and yet nagsa-suffer siya. Kaya nu’ng sinabi niya, naawa rin ako, sabi ko, ‘ay, si mother nag-aano pala, nagsa-suffer pala nang matagal din. Akala ko okay lang sa kanyang ‘di kami nag-uusap, eh. Kaya masaya ako nu’ng gabing ‘yon dahil narinig ko sa mother ko ‘yon. Siguro pine-pray niya, madasalin ‘yon, eh,” ani Anjo sa reaksyon ng inang 77 years old sa reconciliation nila ni Jomari.

Samantala, ang Itutumba Ka ng Tatay Ko ang film directorial debut ni Janno para sa Viva Films. Isa umano itong pagpupugay sa yumaong Hari ng Pelikula na si Fernando Poe Jr. at Comedy King Dolphy.

Nasa cast din sina Louise delos Reyes, Robb Guinto, Ronnie Henares, Julianna Pariscova-Segovia, ang yumaong ama ni Direk Janno na si Ronaldo Valdez at marami pang iba.

Mapapanood ito sa mga sinehan nationwide simula January 24.

AUTHOR PROFILE