
Angeline, sinapak sa ilong! … isyu kina Julia at Coco, sinagot ng singer
Sinagot ni Angeline Quinto sa kanyang latest YouTube vlog ang mean comments ng netizens sa kanya.
Sa Anilao, Batangas pa napiling mag-vlog ni Angeline at habang sinasagot nga ang mga basher ay nagsasagwan siya ng bangka sa dagat.
“Usually guys wala talaga akong violent reactions dahil nakakatawa naman talaga ang pagka-mean ng bashers! Sanay na kong ma warshock! Pero try natin kung masisira ba nila ang panatag na tubig ng Anilao sa mga mean comments na babasahin ko enjoy guys!” pahayag ni Angeline sa description box.
Ang unang komentong binasa niya ay nilait ang kanyang ugali na dapat daw ay pinaretoke rin daw niya.
Mensahe ni Angeline sa basher, “Kung pwede nga lang iparetoke rin ang ugali, ginawa ko na! Pero kung gusto mo, sabay tayo, mas maganda ’yon!”
Isa pang nakakalokang comment sa kanya ay mukha raw siyang kili-kili na pinaputi ng arina ni Dra. Vicki Belo.
“Ha?? May arina ba sa clinic ni Dr. Belo? Tagal-tagal ko nang nagpapa-Belo pero wala namang silang ginagamit na arina roon,” sagot ni Angeline.
“Ang arina, marami sa palengke, sa talipapa. Diyan ka maghanap ng arina. Sa clinic ni Dr. Belo, waley!” sey pa niya.
Sinagot din ni Angeline ang komento na si Julia Montes ang bagay kay Coco Martin at hindi siya.
“Alam mo, Sophia (basher), kami ni Coco, maayos kaming magkaibigan. Maayos din naman kaming magkaibigan ni Julia. So, ngayon, bakit inuunahan mo si Kupido, ha? Marunong ka pa kay Kupido ng tao na kung sinong bagay sa isang tao?” sagot ni Angeline.
Isa pang komento ay ang pangit daw ng pagkakagawa ng ilong niya at sagot ni Angeline, “Hanggang ngayon, nandiyan pa rin tayo sa ilong, hindi na natapus-tapos ’yang issue tungkol sa ilong.
Hindi nga ako nagpagawa.”
Kuwento pa ng singer, sinapak daw siya sa ilong ng isa niyang kaibigan na babae noong 16 years old siya kaya hindi maganda ang kanyang ilong talaga.