
Angeline naka-focus sa magiging anak
SA exclusive interview ni Boy Abunda kay Angeline Quinto, inamin ng huli na three years younger sa kanya ang kanyang nobyo at may anak sa ibang babae pero hindi ito kasal kaninuman.
Nakilala rin umano ito ng kanyang yumaong adoptive mother na si Mama Bob.
Ang non-showbiz boyfriend ni Angeline ay nakilala siya sa kaibigan ng nobyo ng kanyang friend at magmula noon ay nagsimula na ang kanilang komunikasyon. Since hindi taga-showbiz ang guy, ayaw magbigay ng detalye ang singer-actress sa ama ng kanyang ipinagbubuntis ngayon.
Si Angeline ay nakatakdang magsilang sa kanyang unang baby sa buwan ng Abril next year at lalaki umano ang nakatakda niyang isilang.
Sa halip na kasal ang pagtuunan ng pansin ng Kapamilya singer-actress ay mas naka-focus umano siya sa kanyang dinadala sa ngayon.
Magkahalong kaba at excitement ang kanyang nararamdaman ngayon dahil first time siyang magiging isang ina. Pero sisikapin umano niyang maging isang mabuting ina sa kanyang magiging unang baby kumpara sa kanya na lumaki sa pag-aaruga ng kanyang adoptive mom na si Mama Bob sa halip na sarili niyang ina at ama.
John may kulang pa para ikumpara kay Eddie Garcia
PARA sa amin ay si John Arcilla ang maituturing na Eddie Garcia ng kasalukuyang henerasyon dahil napakahusay niyang actor both sa villain and lead characters. Ang kulang lamang kay John ay maging isa ring mahusay na director tulad ni Eddie.
“I am so honored na makumpara sa isang movie icon na si Eddie Garcia, pahayag ni John sa kanyang solo virtual presscon para sa kanyang upcoming Metro Manila Film Festival movie with Dingdong Dantes na dinirek ni Lawrence Fajardo under Viva Films. Ito’y Philippine adaptation ng South Korean movie of same time.
Pitong taong gulang pa lamang si John ay kinakitaan na ito ng kanyang mga magulang ng interes sa pag-arte na hindi naman kataka-taka dahil ang kanyang parents na sina Domininador Gil Alemania Arcilla at Eustaquia Gonzales ay parehong mahilig sa mga Filipino, Broadway at Hollywood films.
High school pa lamang si John sa Mt. Carmel College in Baler, Quezon ay aktibo na siya sa theater plays at naging niyembro siya ng Philippine Educational Theater Association – Metropolitan Theater League (PETA_MTTL).
Si John ay nagtapos na scholar ng Mass Communication degree sa St. Joseph’s College in Quezon City at naging acting scholar din siya ng Actor’s Workshop Foundation sa pamamahala ng actor-director na si Laurice Guillen at Leo Martinez. Siya’y nagpatuloy sa kanyang theater work up 1996 at saka siya lumipat sa telebisyon at pelikula.
Sa teatro ay makailang beses siyang gumanap sa ilang lead roles tulad ng “Drosman and Zafra,” “Walang Sugat” at “Ryan Cayabyab’s Rizal Musical Trilogy” na kanyang sinimulan sa “El Filibusterismo” in 1993, “Noli Me Tangere” in 1995 at “Ilustrado” nung 1996 under Tanghalang Pilipino, ang resident theater company ng Cultural Center of the Philippines.
Taong 1996 nang makuha ni John ang kanyang kauna-unahang Best Actor award mula sa Manila Film Festival para sa pelikulang “Mulanay” na dinirek ng namayapang premyadong director na si Gil Portes. In 1997, nakamit naman niya ang kanyang first Best Supporting Actor award mula sa Gawad Urian para sa pelikulang “Ligaya ang Itawag Mo Sa Akin” na pinagsamahan nila ni Rosanna Roces at pinamahalaan ni Carlitos Siguion-Reyna.
Although nakagawa na ng ilan pang pelikula at TV series si John, it was in 2015 nang dumating ang kanyang taon nang kanyang gampanan ang papel ni Gen. Antonio Luna sa award-winning and surprise hit biopic film, ang “Heneral Luna”. Magmula noon ay lalo pang naging in-demand si John bilang actor. But unknown to many, mahigit isang taon ding nag-suffer ang career ng actor nang hindi siya makatanggap ng TV and movie projects dahil sa mga negatibong nasulat sa kanya na kesyo lumaki ang kanyang ulo at nagtaas pa ng presyo, rason kung bakit inayawan siya ng mga producer. Pero thankful si John kay Direk Laurenti Dyogi, production head at Star Magic head ng ABS-CBN na siyang muling nagbigay sa kanya ng panibagong break.
“Hinding-hindi ko talaga makakalimutan si Direk Laurenti Dyogi dahil sa tiwalang ibinigay sa akin,” pag-amin ni John who proved na mali ang naging paratang sa kanya ng ilang tao.
Bukod sa character niyang Gen. Antonio Luna sa pelikulang “Heneral Luna, Hagorn sa fantasy-drama series na “Encantadia,” nakatatak na rin kay John ang kanyang character na Renato Hipolito sa top-rating and long-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano”.
Ang isa pang nagpatibay kay John bilang isang mahusay na actor ay nang kanyang masungkit ang Volpi cup for Best Actor sa 78th Venice International Film Festival para sa pelikulang “On the Job: The Missing 8” na diniek ni Erik Matti, his first ever international Best Actor trophy.
Samantala, isang malaking karangalan para kay John at kay Dingdong ang respective roles nila sa pelikulang “A Hard Day” na kasama sa walong pelikulang kalahok sa 2021 Metro Manila Film Festival.
DonBelle inaasahang aarangkada sa 2022
COME 2022, inaasahang aarangkada nang husto ang tambalang Donny Pangilinan at Belle Mariano dubbed as DonBelle matapos i-launch ang tambalan ng dalawa sa phenomenal hit mini-series ng iWant TFC, ang “He’s Into Her”.
Dahil sa malaking tagumpay ng first team up nina Donny at Belle, agad ito sinundan ng kanilang first digital movie na “Love is Color Blind” na nagsimulang ipalabas on KTX.Ph at IPTV TFC last Friday, December 10. Simula naman sa unang quarter ng taong 2022 ay muling pakikiligin ang DonBelle fans sa ikalawang season ng “He’s Into Her” na tatampukan din ng mga nakasama ng dalawa sa unang season ng “He’s Into Her” tulad nina Joao Constancia, Criza Taa, Kaori Oinuma, Vivoree Esclito, Gelo Marquez, Ashley del Mundo, Dalia Verde at iba pa.
Beatrice inaabangan ang performance sa Miss U
NAKAABANG ngayon ang lahat ng mga kababayan ng kinatawan ng Pilipinas sa 2021 Miss Universe na si Beatrice Luigi Gomez hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang sulok ng mundo kung ano ang kanyang magiging performance sa nasabing beauty competition na nakatakdang ganapin ngayong gabi, December (December 13 ng umaga Manila Time) sa Universe Arena sa Eilat, Israbel.
Siguradong may isa na siyang boto among the judges kung saan kabilang ang Kapuso primetime queen na si Marian Rivera.
Si Beatrice ang kauna-unahang self-confessed Filipina beauty queen na miyembro ng LGBT community.
Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.