Angelica

Angelica, dusa sa ‘bone death’

November 20, 2023 Vinia Vivar 437 views

Ipinagtapat ni Angelica Panganiban sa latest vlog nila ni Gregg Homan na “The Homans” na may dinaramdam siyang sakit mula pa noong mabuntis siya.

Nang magpa-check-up siya recently, she was diagnosed with avascular necrosis.

Ipinaliwanag niya kung ano ang sakit na ito gayundin kung paano ito nagsimula.

“We havent shared this to everyone. But, I had the feeling of letting you guys know as I believe this life journey of ours will give maybe at least anyone of you a strength and inspiration to fight and never give up.

“Lately, I’ve been suffering hip’s pain, it has been very difficult for my family and I. I have no idea that this isnt a simply back or waist act.

“Upon going for a check to a doctor, my family and I figure out that I had Avascular Necrosis. What is Avascular Necrosis? Watch the video fam so you can also be aware about it. For now, thank

God I’m feeling better and my family’s helping me get through all this,” ang mahabang caption ni Angelica sa video.

Sa paliwanag ng aktres, ang avascular necrosis ay “bone death.”

“Namatay na ‘yung mga bones ko sa aking balakang. Kaya pala hirap na akong maglakad, talagang ‘yung mobility ko, hindi nasosolusyunan kahit na ano pang gawing kong strengthening,” pahayag ni Angelica.

Para masolusyonan ito ay kinailangan niyang saksakan ng PRP (platelet-rich-plasma) na parang stem cell na aniya ay napakasakit.

“Nag-drill sila ng hole, in-inject nila ‘yung PRP directly doon sa dead bone ko. Masakit ba ‘yung procedure? Hindi ko inakalang masakit siya. Tulo nang tulo ‘yung luha ko,” kwento ni Angelica.

Naawa nga siya sa sarili at kinuwestiyon kung bakit sa kanya nangyari ito.

“Para bang kahit papaano, nakaramdam ako ng awa sa sarili ko na ‘bakit ako nagkakaganito, bakit sa akin nangyari ito?’ Kasi ang cause ng avascular necrosis ay steroid abuse.

“Kung mapapansin n’yo naman, never namang lumaki ang katawan ko, never nga akong nagka-muscle sa buong katawan ko,” sabi ni Angelica.

“So, ano ‘yung cause niya? Wala, tinatawag lang na malas lang talaga at nangyari siya sa akin,” she said.

Habang nagsasalita si Angelica ay nakahiga siya sa bed dahil kasasagawa lang ng procedure the previous day. Kaya bed rest pa siya.

Umaasa ang aktres na sa pamamagitan ng treatment ay matatapos na ang kanyang kalbaryo na isang taon na niyang iniinda.

“So, minsan, I just can’t believe na kumbaga, at the age of 37, nagkaroon ako ng bone death. There was something dead inside me,” aniya na tila pinipilit tumawa.

“I am hoping na mabilis ‘yung recovery ko, hopefully, makapagtrabaho na ako next year,” she said.

Nagbigay din ng payo si Angel sa lahat ng mga taong dumaranas ng physical pain tulad niya.

“We have to be strong para sa mga taong umaasa sa atin. We have to be strong for ourselves para mabilis tayong maka-recover at magawa na ulit natin ‘yung mga ginagawa natin noon. Na hindi tayo dapat hino-hold back ng mga sakit natin,” payo ng aktres.

AUTHOR PROFILE