Tikim

Angeli at Robb paiinitin ang mga sinehan sa ‘Unang Tikim’

June 13, 2024 Ian F. Fariñas 1061 views

Ihahatid ng cult director na si Roman Perez Jr. at ng Vivamax Queen na si Angeli Khang ang pelikulang magpapainit sa mga sinehan ngayong 2024, ang Unang Tikim.

Pinagbibidahan nina Robb Guinto, Matt Francisco at Angeli, tunghayan kung gaano nakakapana-panabik ang pagbabalik ng taong una mong minahal, at kung paano ito makakadulot ng problema sa iyong kasalukuyan.

Mahigit apat na taon na ang nakakaraan nang ma-in love sina Yuna (Angeli) at Becca (Robb).

Sa isa’t isa nila naranasan ang lahat ng una – unang halik, unang haplos, unang sexual experience. Mukhang walang makakasira ng kanilang pag-iibigan hanggang sa mapilitang mag-migrate ni Becca sa America para makasama ang kanyang pamilya.

Sa kanilang dalawa, si Becca ang matuturing na “lipstick lesbian.”

Isa rin siyang artist at introvert. Sa pag-ibig, ibinubuhos niya ang lahat. Samantala, si Yuna ay bisexual. Mukhang inosente, pero agresibo pagdating sa pakikipagsiping. Maalaga siya sa kanyang minamahal, pero hindi niya kaya ang long distance relationship.

Dito pumasok sa eksena si Nicco (Matt). Matagal na niyang gusto si Yuna. Mukha siyang babaero dahil sa pagiging sweet, pero seryoso siya kay Yuna.

Naging malapit silang dalawa, hanggang sa nakahalik siya kay Yuna noong nasa LDR pa ito kay Becca.

Dahil sa kanilang sitwasyon na magkalayo, minabuti nina Yuna at Becca na maghiwalay na lang.

Ngayon, makalipas ang apat na taon, ikakasal na sina Yuna at Nicco. Isa nang professional photographer sa America si Becca, at nagbalik sa Pilipinas para tuparin ang kanyang dream photo exhibit.

May bago na rin siyang lover, si Trisha (Christy Imperial).

Sa pagkukrus ng mga landas nina Yuna at Becca, ramdam pa rin ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Kung totoo ngang “first love never dies,” tama bang talikuran ni Yuna ang lahat para rito?

Mapapanood ang Unang Tikim sa mga sinehan simula sa July 17.

AUTHOR PROFILE