Jean

Ang mga natutunan ni Jean sa pakikipagrelasyon

September 8, 2023 Aster Amoyo 373 views

MARAMI raw natutunan si Jean Garcia sa kanyang mga naging karelasyon noon. Hindi man daw perpekto lahat, pero importante raw yung may respeto sila sa isa’t isa.

“Ang natutunan ko, sa dami ng relasyon din na dinaanan ko, siguro number one is respeto talaga. Respeto at pagtanggap.

“Kapag pinili mong mahalin ang isang tao unahin mo ang respeto at unahin mong tanggapin muna ang lahat ng nasa kanya.

“Kasi kapag nasa loob ka na ng relasyon, kahit gaano mo kamahal, kapag dumating ka pa rin sa point na ‘Ay hindi ko pala kayang tanggapin ‘yung ganito niya,’ maghihiwalay at maghihiwalay kayo. So ito, pagtanggap talaga.

“Sarili mo lang ang aalagaan mo at mga tao lang na gusto mo talagang alagaan,” sey ni Jean.

Nang tanungin kung ano pinakagusto at pinakaayaw niya sa mga lalaki?

Sey ni Jean: “Very childish at saka very matitigas ang mga ulo. O ‘yung mga nakilala ko, matitigas talaga ang mga ulo? Mahilig yata ako sa mga bad boys eh, kaya hindi naging successful. The best in men. Kung talagang mahal ka, they will fight for you no matter what.”

Balik sa paggawa si Jean ng teleserye via

‘Maging Sino Ka Man’ na bida sina Barbie Forteza at David Licauco.

Precious Paula nag-celebrate ng first anniversary

NAG-CELEBRATE kamakailan ng kauna-unahang drag journey anniversary niya ang Drag Race Philippines Season 1 winner na si Precious Paula Nicole.

Isang thanksgiving show ang hinandog ni Precious na may title na “Precious Journey-versary” sa Empty Stomach noong nakaraang linggo.

On Instagram, pinost ni Precious ang ilang unforgettable moments ng gabing iyon.

“Lubos na pasasalamat sa lahat ng dumalo sa ating first Precious Journey-versary. Sana ito ay una lang sa marami pa. Life is short, kaya i-enjoy natin lagi ang buhay natin kasi hindi natin alam kung sa’n tayo dadalhin nito. Basta ako, I’m really grateful na dinala kayong lahat sa ‘kin,” sey ni Paula.

Sinamahan at sinuportahan si Precious ng ibang drag artists tulad nila Popstar Bench, O-A, Aries Night, Kieffy Nicole, Ally Nicole, and Winter Sheason.

Kinoronahan bilang first ever Drag Race Superstar Philippines si Precious noong October 2021. Nagtayo si Precious ng Precious Foundation, isang non-governmental organization dedicated to helping and supporting the Golden Gays.

Matagal nang tumutulong si Precious sa Golden Gays na mga nagsimula ng drag culture sa Pilipinas.

Japanese-Filipino group pumirma sa GMAMusic

PUMIRMA sa sub-label ng GMA Music na AltG Records ang Filipino-Japanese boy group na SKYGARDEN.

Binubuo ang SKYGARDEN nila Ryoichi “Ryo” Rivera Nagtsuka, Hiro Ozaki, and Iwaki “Iwa” Maegawa.

The contract signing happened last July 28 with GMA Music Managing Director Rene Salta, Artist and Repertoire Manager and in-house producer Kedy Sanchez, and SKYGARDEN manager Ruby Cuevas.

Taong 2022 nang mag-debut ang SKYGARDEN trio nila Ryo, Hiro, and Iwa sa paggawa ng video content. Their videos quickly went viral across social media platforms tulad sa Facebook, Tiktok, and YouTube.

Naging contestants din sila sa GMA’s top-rating game show Family Feud.

“We all started as content creators. Our goal is to entertain our audience with the various challenges we take on. And of course, now that we are part of AltG Records, we also want to share our songs with the Filipinos and sana ma-feel nila ‘yung passion ng mga kanta namin,” sey ni Ryo.

Ang kanilang much-anticipated debut single na KOKOA is now available on digital platforms worldwide. Hango ang title sa Japanese phrase na “Kokoro kara Aishiteru” which translates to “I love you from the bottom of my heart.”

AUTHOR PROFILE