
Ang makulay na daigdig ni Nora
SA araw na ito ng Martes, April 22, 2025 ay nakatakdang ihatid sa kanyang huling hantungan ang kaisa-isang Superstar ng Pilipinas, National Artist for Film and Broadcast Arts, The Girl with a Golden Voice and one of, if not, the greatest Filipino actresses of all time na si Nora Aunor (Nora Cabaltera Villamayor sa tunay na buhay). Siya’y bibigyan ng State Funeral at nakatakdang ilibing sa Libingan ng mga Bayani in Fort Bonifacio, Taguig City.
Si Nora or Guy ay sumakabilang-buhay nung nakaraang Miyerkules Santo, April 16, 2025 due to acute respiratory failure sa edad na 71.
Si Nora ay isa sa siyam na anak ng mag-asawang Eustacio Villamayor at Antonia `Mamay Tunying’ Cabaltera. Kabilang sa kanyang mga kapatid ay ang namayapa na ring actor na si Eddie Villamayor.
Dahil mahirap lamang ang kanyang pamilya, nagtinda ng malamig na tubig at mani si Nora sa may Bicol Express Station para makatulong sa kanyang pamilya. Little did she knew na tatanghalin siyang phenomenal star, recording artist, movie star at superstar, TV and movie producer, director, celebrity endorser and a multiple-award-winning actress both locally and internationally.
Barely five feet tall and dark skinned, Nora stood tall at sinira niya ang traditional mestiza and mestizo look in showbiz sa kanyang pagpasok .
Naging malaking papel sa buhay ni Nora ang kanyang tiyahing si Mamay Belen Cabaltera-Aunor, ina ng singer-actress-turned businesswoman na si Maribel `Lala’ Aunor.
Sa tulong ni Mamay Belen, natutong kumanta si Nora habang ang una (Mamay Belen) ang naggi-gitara. Si Mamay Belen din ang nagtiyagang sumama-sama kay Nora sa kanyang auditions sa iba’t ibang amateur singing competitions. Tinanghal siyang grand champion ng “Darigold Jamboree Amateur Singing Competition” on radio with live audience at sumunod dito ang kanyang pagkakapanalo sa The Liberty Big Show na isa ring radio program. Pero napansin nang husto si Nora nang siya’y sumali sa national amateur singing competition na “Tawag ng Tanghalan” on ABS-CBN at siya ang tinanghal na grand champion nung May 29, 1967. Ito bale ang simula ng pagbabago ng takbo ng buhay ng isang simpleng si Nora Aunor.
Si Mamay Belen ang nag-desisyon na gamitin na ni Nora ang screen name na Nora Aunor.
Unknown to many, si Edgar `Bobot’ Mortiz ang unang ka-loveteam ni Nora. Si Bobot ay naging grand champion din ng “Tawag ng Tanghalan” isang taon matapos manalo si Nora. It was the late actor-director Tony Santos, Sr. who paired them up. Pero sandali lang ito nang pumasok na si Tirso Cruz III at sila na ni Nora ang naging magka-loveteam. Ipinareha naman si Bobot kay Vilma Santos na nagsimula bilang child star sa pamamagitan ng pelikulang “Trudis Liit”.
Nora was signed-up to an eight-picture non-exclusive contract ng Sampaguita Pictures at siya’y binigyan ng minor and supporting roles bago siya nagbida. Ang Tower Productions na pag-aari ng dating mag-partner na Artemio Marquez at Maria Victoria signed up Nora to an exclusive contract kaya nagkaroon noon ng demandahan for breach of contract sa part ni Nora.
Ang Tower Productions ang siyang unang nagbigay ng lead role kay Nora at tambalan ng Guy & Pip sa pamamagitan ng “9 Teeners” and “Young Girl” na parehong pinamahalaan ng yumaong si Mitos Villarreal nung 1969 at ang mga sumunod na pelikula ni Nora under Tower Productions ay si Direk Artemio Marquez na ang nag-direk tulad ng “Teenage Escapades,” “Ye Ye Generations,” “Nora (Single Girl),” “Tomboy Nora,” “Teenage Jamboree,” “Tell Nora I Love Her,” “Nora in Wonderland,” “The Golden Voice,” “My Beloved,” “Lollipops and Roses” at iba pa.
Bago naging contract star ng Alpha Records si Nora, nag-record siya ng ilang singles sa dalawang independent record companies, ang Citation Records at Jasper Records nung 1968. Lahat ng mga recorded singles and albums ni Nora sa Alpha Records were all top-sellers with her own version of “Pearly Shells” as her biggest selling single na lalong nagpatingkad sa popularity ni Nora kasabay ng kanyang mga box office movies.
Ang unang live guest appearance ni Guy sa isang major concert ay ang sold-out concert ng popular American singer na si Timi Yuro na ginanap sa Araneta Coliseum nung 1967. First TV guest appearance naman niya ang magkahiwalay na musical programs nina Pilita Corrales at Carmen Soriano, ang “An Evening with Pilita” at “Carmen on Camera”.
Sa lahat ng loveteams on Philippine cinema, wala sigurong makakatalo sa Guy & Pip tandem. Unknown to many, naging magkasintahan ang dalawa although hindi sila ang nagkatuluyan sa totoong buhay. Pip married former model Lyn Ynchausti at sila’y nabiyayaan ng tatlong anak habang ang Drama King na si Christopher de Leon naman ang napangasawa ni Nora at nagkaroon sila ng isang anak, si Ian De Leon at adopted daughters na sina Lotlot de Leon at Matet de Leon. Hiwalay na sina Nora at Boyet (Christopher) nang muling mag-adopt si Nora ng dalawa pang bata, sina Kiko at Kenneth.
Taong 1973 nang pasukin ni Nora ang pagpu-produce ng pelikula sa pamamagitan ng NV Productions. Kasama sa kanyang mga produced films ang “Carmela,” “Paru-Parong itim,” “Fe, Esperanza, Caridad,” “Banaue: Stairway to the Sky,” “Alkitrang Dugo,” “Tatlong Taong Walang Diyos,” “Ander de Saya,” “Nino Valiente,” “Mrs. Teresa Abad, Ako Po Si Bing,” “Wanted: Ded or Alayb,” “Tatlong Taong Walang Diyos,” “Sa Lungga ng mga Daga,” “Roma Amor,” “Annie Batungbakal,”: “Bongga Ka Day,” “Bona,” “Ibalik ang Swerti,” “Rock `n Roll,” “Condemned,” “Tatlong Ina, Isang Anak,” “Takot Ako, Eh,” “Andrea, Paano Ba ang Maging Isang Ina,” at “Ang Totoong Buhay ni Pacita M”.
She also produced TV shows tulad ng “Guy & Pip TV Special,” “Ang Makuhay na Daigdig ni Nora” at ang “Pipwede”.
During her prime, Nora was also an in-demand TV, radio and print product endorser.
Sa kainitan ng loveteam ng Guy & Pip, niregaluhan ni Pip si Guy ng isang doll na kanilang pinangalanang Maria Leonora Theresa na sobra ring sumikat at naging bahagi ng na tambalan ng dalawa.
In her almost 6 decades sa industriya, Nora had a chance to work with four National Artist directors tulad nina Lino Brocka, Ishmael Bernal, Gerry de Leon at Lamberto Avellana bukod sa iba pang mga award-winning directors tulad nina Eddie Garcia, Eddie Rodriquez, Maryo J. de los Reyes, Joel Lamangan, Laurice Guillen, Brillante Mendoza, Gil Portes, Danny Zialcita, Pegue Gallaga, Elwood Perez, Orlando Nadres, Mario O’Hara, Jun Lana at marami pang iba. She had worked with almost a hundred other directors including German `Kuya Germs’ Moreno na dalawang beses siya naidirek.
Ang kanyang unang TV musical variety show ay pinamagatang “Nora and Eddie” na pinagsamahan nila ni Eddie Peregrina na sinundan ng “The Nora Aunor Show” hanggang ito’y gawing “Superstar,” the longest-running musical show na tumagal ng halos dalawang dekada sa ere.
Sa rami ng mga pelikulang ginawa ni Nora nung ito’y nabubuhay pa, masasabing tumatak sa kanya bilang isang mahusay na actress ang mga pelikulang “Himala,” “Bona,” “Atsay,” “Sidhi,” “The Flor Contemplacion Story,” “Paru-Parong Itim,” “Alkitrang Dugo,” “Ina Ka ng Anak Mo,” “Minsa’y Isang Gamu-Gamo,” “Tatlong Taong Walang Diyos,” “Minsan May Isang Ina,” “Bulaklak ng City Jail,” “Andrea, Paano Ba ang Maging isang Ina,” “Ang Totoong Buhay ni Pacita M,” “Inay,” “Bakit May Kahapon Pa,” “Muling Umawit ang Puso,” “Babae,” “Naglalayag,” “Thy Womb” and more.
Nagkaroon din siya ng sarili niyang TV drama anthology, ang “Ang Makulay na Daigdig ni Nora,” ang “Nora Cinderella,” “La Aunor,” “Star Drama Presents: Nora” at ilang TV specials tulad ng “Superstar: The Legend Herself,” “Superstar: Beyond Time” and her 50th birthday concert special na ginanap sa Araneta Coliseum na pinamagatang “Gold”.
Ang “Bituin” ang kanyang kauna-unahang soap opera on TV sa bakuran ng ABS-CBN
Nasubukan din ni Nora ang teatro sa pamamagitan ng stage adaptation ng kanyang mga pelikulang “Minsa’y Isang Gamu-Gamo,” “DH (Domestic Helper” ng PETA at ang “Trojan Woman” ng Cecille Guidote-Alvarez’s Theater Company. Ang iba pa niyang mga pelikula which was adapted into stage ay ang “Himala” at “Bona”.
Nasubukan din noon ni Nora ang magdirek ng “Nino Valiente” nung 1975 at ang “Greatest Performance” in 1989.
Hindi na rin halos mabilang ang mga parangal na kanyang tinanggap bilang Best Actress hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Tinawag siya ng Hollywood reporter na “The Grand Dame of Philippine Cinema” which she rightfully deserved.
Paalam sa nag-iisang superstar, National Artist at bukod tanging singer-actress na si Nora Aunor.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel for notification. Follow me on Instagram and Facebook@astermoyo and X@aster_amoyo.