Jerald Jerald Napoles at Kim Molina

Ang kakaibang set-up ng ‘loveteam’ nina Kim at Jerald

March 24, 2025 Eugene E. Asis 139 views

Jerald1

Jerald2
Jerald Napoles at Kim Molina

HINDI man tipikal na loveteam na highly idolized, tanggap na tanggap ng moviegoers ang tambalan nina Kim Molina at Jerald Napoles.

Kaya naman, alaga silang bigyan ng pelikula ng kanilang home studio, ang Viva Films. Muli silang mapapanood sa sexy comedy movie na ‘Un-Ex You’ sa direksyon ng mahusay sa comedy na si RC de los Reyes simula sa April 9 sa mga sinehan.

They’re truly funny onscreen, lalo na sa kanilang mga naughty (or call it sexy) scenes. Paano ba naman, comfortable silang gawin ang lahat na hindi kayang gawin o sabihin ng iba.

Bukod sa talagang mahuhusay na artista, masasabing advantage ang pagkakaroon nila ng relasyon sa tunay na buhay. At hindi lang basta relasyon dahil bukas na bukas sa publiko na sila ay live-in partners.

Well, they’re engaged, though.

So, in essence, para na rin silang tunay na mag-asawa. For some, it may not look right, but sabi nga, carry naman nila ang situwasyon without much malice.

They make look or sound happy with each other, tulad sa mediacon ng kanilang pelikulang ‘Un-Ex You’ sa Viva Cafe where they indirectly joked about their physical attributes (Kim: Malaki ang kanya’ but quickly adding: ‘Malaki ang kanyang puso’), pero sa bahay, tulad din sila ng ibang magkarelasyon. They fight or debate over matters, maliit man o malaki.

Ani Jerald: “May mga pagtatalo. Meron. Of course, merong mga taasan ng boses. Pero ‘yung taasan ng boses, mas taasan ng emosyon kasi hindi puwedeng marinig sa kabilang condo,” sabay malakas na tawa.

“But it’s part of the relationship eh. But after that, laging kailangan may mapag-usapan kami kahit kalahati lang nung pagtatalo bago matulog. May ganun kami ni Kim para lang matuto kami sa isa’t isa,” paliwanag pa ng mahusay na komedyante.

At may kakaiba silang set up: Magkahiwalay sila ng kuwarto.

Kuwento naman ni Kim, “Ang setup namin ni Je, we do live together pero may separate rooms kami. Ako kasi I was independent since I was 16 (years old) kasi pamilya ko nasa Saudi.

“Tapos si Je naman, lagi siyang mag-isa eversince kasi only child siya. So, pareho kaming sanay mag-isa. So, kapag nage-gets ko na kailangn ng space ng isa, pupunta ako sa kuwarto ko o siya pupunta siya sa kuwarto niya. Tapos, puwede siyang pumunta sa kung saan,” paliwanag ni Kim.

Ang sinusunod nilang panuntunan pagdating sa relasyon ay, “Masaya akong merong tayo kahit merong ako. So, buo pa rin kami individually and when we’re together, we’re stronger.

“So, we have that kind of setup na kapag we need space from everything whether it be sa aming dalawa or the world, I have my own thing and he has his own thing. So, I think that’s how it works for the both of us,” patuloy pa ng aktres.

Sabi ni Jerald, kahit daw kasal na sila ay itutuloy pa rin nila ang ganu’ng setup, “Si Kim ang may suggestion nu’n which is tama naman. Partnership kasi ‘to, eh. Pero individual bago naging partnership so kailangan meron ka ring time para sa sarili mo.”

AUTHOR PROFILE