Ang dahilan kung bakit tinalikuran ni Yam ang showbiz

July 28, 2024 Aster Amoyo 570 views

YamYam2TINAPOS lamang ng actress na si Yam Concepcion ang kanyang huling TV drama series sa bakuran ng ABS-CBN, ang “Init sa Magdamag” na pinagsamahan nila nina Gerald Anderson and JM de Guzman na magkatulong na pinamahalaan nina Raymund Ocampo at Ian Lorenos nung 2021 at pagkatapos nito ay lumipad na siyang patungong New York, USA to join her New York-based boyfriend pa noon at ngayon ay mister na na si Miguel Cu-unjieng. Her boyfriend proposed to her on June 23, 2021 at kasunod na rito ang kanilang civil wedding rites on July 25, 2021 (also in New York). And on their 3rd wedding anniversary habang nagbabakasyon sa Bahamas ay ibinahagi ng actress that she is currently pregnant sa kanilang magiging first baby ng kanyang husband na si Miguel.

Dahil sa New York na rin naka-base ngayon si Yam, tuluyan na nitong tinalikuran ang magandang takbo ng kanyang showbiz career sa Pilipinas.

Bago ang kanyang huling hit primetime TV drama series na”Init sa Magdamag,” si Yam ay napanood din sa isa pang hit TV series na “Halik” nung 2019 kung saan naman niya nakabituin sina Jericho Rosales, Sam Concepcion at Yen Santos. Ito’y sinundan ng “Love Thy Woman”. She was also in the erotic-thriller movie na “Rigodon” na pinamahalaan ni Erik Matti at sa TV adaptation ng “Dugong Buhay” kung saan naman niya nakasama sina Ejay Falcon at Arjo Atayde.

Kung hindi nga lamang nag-asawa at nag-base sa New York, USA si Yam, malayo pa sana ang mararating nito bilang isang mahusay na actress pero napagitnaan siya ng kanyang pagmamahal sa kanyang mister na ngayon at sa binubuo nilang pamilya lalupa’t magkakaroon na sila ng anak at sa kanyang pamamalagi sa Pilipinas at ipagpatuloy ang kanyang acting career. Siyempre, mas inuna niya ang pamilya.

Tinalikuran man ni Yam ang kanyang showbiz career sa Pilipinas, kakaibang joy naman ang kanyang nararamdaman ngayon sa piling ng kanyang husband na si Miguel and soon their first baby.

Yen marami ang nanghihinayang

YenYen1MARAMI ang nanghihinayang sa career ng ex-PBB housemate-turned actress na si Yen Santos dahil kung kelan naman nagsisimula nang maka-take off ang kanyang career ay saka naman ito nawala sa limelight matapos itong ma-link sa Kapuso actor na si Paolo Contis, her co-star sa pelikulang “A Faraway Land” na nakapagbigay sa kanya ng kanyang first acting award mula sa Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino (MPP).

Unang nakilala si Yen nang siya’y mapabilang sa “Pinoy Big Brother” Teen Clash 2010”. Lumutang din ang kanyang husay sa pag-arte nang siya’y maging isa sa mga pangunahing bituin ng hit primetime TV series na “Halik” on ABS-CBN na pinagsamahan nila nina Jericho Rosales, Sam Milby at Yam Concepcion.

KathDen muling aangkinin ang highest grossing film record

KathdenKathden1NASA Canada ngayon sina Kathryn Bernardo at Alden Richards para shooting ng kanilang reunion movie, ang sequel sa kanilang 2019 mega hit movie na “Hello, Love, Goodbye,” ang “Hello, Love, Again” kung saan magpapatuloy ang respective characters na ginampanan ng dalawa.

Record-breaking ang unang tambalan nina Kathryn at Alden na “Hello, Love, Goodbye” na kumita ng halos P900-M sa takilya. Nalagpasan lamang ito nung 2023 Metro Manila Film Festival movie ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang “Rewind.”

Ang pelikulang “Hello, Love, Again” na sinu-shoot pa sa Canada ay meron nang playdate on November 13, 2024 bago ang 50th anniversary ng Metro Manila Film Festival come December 25, 2024.

Marami tuloy ang nagtanong kung bakit hindi ito isinali sa MMFF. Baka raw malagpasan naman nito ang kinita ng “Rewind” na produced din ng Star Cinema.

Sa balik-tambalan nina Kathryn at Alden ay marami na rin ang nagbago at mga pagbabago. Break na sina Kathryn at dating nobyo nitong si Daniel Padilla at tila pumapasok (o nakapasok na?) sa buhay ni Kathryn si Alden.

Natutuwa naman ang Kapuso actor na si Alden sa maraming pagbabago kay Kathryn bilang tao at bilang aktres in their almost five years na hindi sila nagkasama o nagkatrabaho.

Kung nalulungkot ang KathNiel fans sa hindi inaasahang paghihiwalay ng kanilang mga idolo, natutuwa naman ang KathDen supporters dahil sa pagkakalapit ngayon ng dalawa.

David solo flight, Barbie si Jak ang kasama

SOLO flight na dumating si David Licauco sa nakaraang GMA Gala Night. Ito ang tinatanong ng kanyang mga supporters dahil kasama ng kanyang ka-loveteam na si Barbie Forteza ang boyfriend nito in real life na si Jak Roberto.

May non-showbiz girlfriend umano si David pero hindi nito nakasama sa pagtitipon ng Kapuso network.

Umasa naman ang BarDa fans na sana’y sina Barbie at David ang magsama sa gala night pero hindi ito nangyari.

Sina Barbie at David ay muling magkasama sa bagong primetime TV series ng GMA, ang “Pulang Araw” na magsisimulang mapanood ngayong gabi ng July 29. Ito bale ang kapalit na programa ng “Black Rider” ni Ruru Madrid na nagtapos nung nakaraang Biyernes, July 23.

Anak ni Eva nagpasalamat

EvaFernandoFernando1GUSTO namin bigyan ng space sa aming column ang mensaheng ipinarating ng panganay na anak ng veteran actress na si Eva Darren, ang US-based doctor na si Dr. Fernando dela Pena na may kinalaman sa aming panayam sa kanyang ina para sa aming online talk show, ang “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel:

“Dear Miss Aster Amoyo,

“I want to thank you po for the interview you did for my mom, Miss Eva Darren which the world saw yesterday.

“For the first time in my life po Miss Amoyo, I saw my mom on TV. Ironic right? My mom has been on the silverscreen for more than six decades yet I haven’t seen her. The person we always see on TV is constantly a stranger, a fictional character portrayed by her, guided by scripted dialogue. But last night was different and we cannot thank you enough for this precious gift. Last night, thanks to you, I saw my mother, Angelita Dela Pena Gachowski (That’s the spelling po). She talked, laughed and cried the way she did at home, comfortably and with peace of heart.

“More power to you and God bless po!”

Respectfully,

Dr. Fernando dela Pena

Si Dr. Fernando ang panganay sa apat na anak ng award-winning veteran actress na si Eva Darren. Siya rin ang nagtanggol sa kanyang ina sa hindi inaasahang pagkapahiya nito sa nakaraang FAMAS Awards night sa pamamagitan ng kanyang Facebook page. Nalaman ni Fernando ang mga pangyayari nang ikuwento sa kanya ng kanyang sister na si Carmela ang buong pangyayari.

Gusto man niyang damayan ang kanyang napahiyang ina, hindi niya ito magawa dahil sa malayo siyang lugar, the reason why he took to his FB page to express his feelings kung ano ang kanyang naramdaman at that time for his mom. At sa pamamagitan ng FB rant ni Fernando ay bumuhos ang simpatiya ng publiko sa kanyang ina.

Mabuhay ka, Dr. Fernando dela Pena, ang panganay na anak ng yumaong veteran actor na si Paquito Diaz among all his children including Cheska, Joko and Joanna.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE