Paul

Ang buhay ni Paul Alvarez ngayon

February 27, 2025 Aster Amoyo 339 views

Paul1Paul2Paul3NASAAN na ang dating basketball star at actor na si Paul `Bong’ Alvarez?

Sa pamamagitan ng aming online talk show, ang “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel ay eksklusibo naming nakapanayam ang tinaguriang “Mr. Excitement” ng basketball world.

An Ilocano by birth, si Bong ay orihinal na Batang Quiapo dahil sa nasabing lugar siya lumaki. Sundalo ang kanyang amang naka-assign sa Mindanao na may kakarampot na suweldo kaya hirap silang limang magkakapatid na buhayin. As a young boy ay naranasan ni Bong ang magtinda ng diyaryo para makatulong sa kanyang pamilya at pambaon na rin niya sa school.

Nasa elementary pa lamang ay Bong sa isang public school in Quiapo ay nakakitaan na ito ng pagiging athletic kaya napasali siya sa track and field ng kanilang school. Nasa high school naman siya noon sa University of Manila nang ito’y magpamalas ng husay sa basketball kaya siya’y napabilang sa UM Hawklets. Dito siya namataan ng basketball coach na si Francis Rodriguez na siyang nagdala sa kanya sa San Sebastian College matapos siyang gramadweyt ng high school sa UM at isinali sa San Sebastian Varsity Team nung 1985. Two years later ay isa siya sa napisil to represent the country sa national team para sa ABC Youth Championship na ginanap sa Manila. Naging member din siya ng RP basketball team na lumaban sa The William Jones Cup in Taipei, sa Star Games in Jakarta at sa ABC Champhionship in Bangkok, Thailand. Naglaro din siya para kay Coach Derrick Pumaren and the Magnolia Quintet sa Philippine Amateur Basketball League (PABL) at sa kanyang final year sa San Sebastian College ay nakuha ng kanilang school ang 3rd NCAA title.

Taong 1989 naman nang siya’y maging isang PBA professional player na kanyang sinimulan sa Alaska milk at naging teammates niya sina Benjie Paras at Nelson Asaytono.

Sa kanyang career bilang PBA player, he earned the moniker “Mr. Excitement”. Nung 1989 ay nakagawa sila ng pelikula under Regal Films (Regal Entertainment na ngayon), ang “Last Two Minutes” kung saan niya kasama ang dalawa pang sikat na basketball stars noon na sina Alvin Patrimonio at Jerry Codinera habang nagkaroon naman ng cameo role si Benjie Paras sa nasabing pelikula. Sa kanilang apat, si Benjie ang nagtagal sa showbiz at hanggang ngayon ay aktibo pa rin sa kanyang acting career. Although bukas pa rin naman si Bong na ito’y balikan kung magkakaroon ng pagkakataon.

While in college sa San Sebastian College, hindi umano niya tinapos ang kanyang management course at nasa 4th year college na umano siya nang siyang matigil dahil mas nag-focus na umano siya noon sa kanyang basketball career.

Sa kanyang entire career bilang professional basketball player ay may ilang beses siyang ipinapalit sa ibang team at player kaya halos naikot niya ang iba’t ibang PBA teams – from Alaska to Sta. Lucia hanggang Ginebra San Miguel. He also had a short stint sa Metropolitan Basketball Association at saka siya muling bumalik sa PBA.

Bago niya pinakasalan nung 1995 ang kanyang actress wife at professional make-up artist na si Almira Muhlach, half-sister ng dating matinee idol na si Aga Muhlach ay naging kasintahan din niya noon si Vivian Velez.

Since malaki ang kita noon ni Bong bilang PBA player, nakapagpatayo ito ng malaki at magarang bahay in an exclusive subdivision in Pasig City for his wife at tatlong anak (all girls) na sina Yssa, Illa at Inna (all grown ups and professionals) at nagkaroon ng mga mamahaling sasakyan. But after 16 years of his marriage to Almira ay nauwi ito sa hiwalayan in 2011 nang siya’y ma-hook sa drugs at nagulo na ang takbo ng kanilang pagsasama. Lalong napariwara ang buhay noon ni Bong and there was even a time na siya’y nakulong ng isang buwan dahil sa drugs.

Ang pinaghirapan noon ni Bong na masaganang buhay ay unti-unting nag-collapse hanggang maibenta ang kanilang bahay, mamahaling mga sasakyan at mga gamit leaving Bong with nothing although may natitira pa rin umano siyang mga lupain in Mindanao at Abra na kanyang naipundar noong aktibo pa siya sa kanyang basketball career.

“Napariwara ang buhay ko noon,” pagbabalik-tanaw niya.

Ang maganda lamang kay Bong, hindi ipinagkait sa kanya ni Almira ang kanilang tatlong anak na kahit hiwalay na sila ay constant pa rin ang kanyang komunikasyon sa mga ito at nagkikita-kita pa rin sila.

“Nung nakulong ako for one month, dumadalaw sila sa akin and I’m so proud of them dahil sobrang mababait ang mga anak ko at pare-parehong may takot sa Diyos,” pagbabahagi pa niya.

Hindi umano nagbago ang pagtingin at pakikitungo sa kanya ng kanyang mga anak (kay Almira) dahil sa nangyari sa kanya.

“We’re even closer now ngayong malalaki na sila at mga professional na,” aniya.

Aminado si Bong na maging ang mga negosyong pinasok niya noon ay lahat nalugi kaya muli siyang nag-iisip ng ibang pagkakakitaan.

Nag-organize si Bong ng The Basketball Legends basketball team (na kinabibilangan ng mga sikat na basketball players noon) at sila’y nagkakaroon ng basketball exhibition with the locals sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas maging sa ibang bansa.

“Halos buwan-buwan ay may laro kami at minsan pa nga nakakailang laro kami in one month,” kuwento pa niya.

Bahagi ng kanyang pagbabalik ng kanyang blessing noon bilang basketball star ay nagti-train umano siya ng mga bata na may hilig sa larong basketball sa mga liblib na lugar.

Lumalim ang relasyon ni Bong sa Diyos matapos siyang dumaan sa maraming unos sa kanyang buhay.

“Siya ngayon na ang number 1 sa buhay ko,” deklara niya.

“Ngayon ko lamang na-realize na whatever fame and money we have, lahat ng mga ito ay temporary at sa isang iglap ay puwede Niyang bawiin,” aniya.

Although meron siyang (on and off) non-showbiz girlfriend ngayon, priority niya sa ngayon ay ang magandang relasyon niya sa kanyang mga anak at ang kanyang strong relationship with God at kung papalarin, now a changed man, gusto rin niyang maglingkod at makatulong sa kanyang mga kalugar sa ikatlong distrito ng Maynila bilang konsehal sa darating na halalan.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster-amoyo.

AUTHOR PROFILE