
Andres kay Atasha: I always got your back
KUNG sina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez ay super proud parents dahil sa pag-graduate with honors ng unica hija nilang si Atasha Muhlach sa Business course mula sa Nottingham Trent University, United Kingdom, ang kakambal naman nitong si Andres, masayang-masaya para sa nag-iisang kapatid.
Sa Instagram idinaan ni Andres ang pagku-congratulate kay Atasha kasama ang ilang mga litrato nila throughout the years.
Sey niya sa caption, “Congratulations to my favorite sister (my only sister lol) and best friend. I’m proud of what you have already accomplished, keep doing what ya do. I always got your back,” na pinusuan siyempre nina Aga at Charlene.
Matatandaan na dalawang linggo bago lumipad para sa kanyang pagtatapos sa UK, eh, pumirma ng kontrata sa Viva Artists Agency (VAA) at humarap sa entertainment media si Atasha para sa pagsabak sa showbiz.
Isa sa mga itinanong sa dalaga ay kung susunod na ba si Andres sa pagpasok sa showbiz pero sinabi ni Atasha na mas makabubuting ang kapatid na niya ang sumagot nito.