Andrea

Andrea todo papansin sa South Korean actor

July 1, 2024 Vinia Vivar 78 views

Isa na namang memorable night para kay Andrea Brillantes ang pagdalo niya sa Eyes on You Manila fan meeting ng South Korean actor na si Kim Soo-hyun sa Aranete Coliseum.

Needless to say, kinarir ni Blythe ang kanyang pagpunta sa event dahil buong ningning pa siyang nakasuot ng white wedding gown.

Ipinost ng aktres sa kanyang Instagram Story ang mga larawan na kuha mula sa FM at makikita nga rito ang kanyang outfit with matching wedding veil pa.

Sa isang larawan ay makikitang nasa stage si Kim Soo-hyun na naka-all white rin.

Caption ni Blythe, “Hi hubby… HUBBY???”

Sa sumunod na litrato naman ay tila nakatingin sa kinaroroonan niya si Kim Soo-hyun. Sa caption, she wrote, “yes po, I do po.”

In one photo ay makikitang naka-finger heart si Andrea na sinuklian naman ni Kim Soo-hyun ng same gesture.

Caption naman ni Blythe sa nasabing pic, “What a night we love you!!!”

Sa huling solo picture naman niya ay iba na ang kanyang outfit but all-white pa rin at may belo pa rin siya.

Tila tapos na ang concert that time at ipinahayag ng aktres ang kanyang disappointment na umalis agad ang South Korean actor.

“Wedding reception pero yung groom ko di nag attend nag fly agad to Korea EME HUHU,” she wrote.

Anyway, bukod kay Andrea, ang ilan pang celebrities na spotted sa fan meeting ni KSH ay sina Winwyn Marquez, Pops Fernandez at ang magkakaibigang Carmina Villaroel, Candy Pangilinan at Janice de Belen.

Sa mga hindi nakakaalam, si Kim Soo-hyun ang bida ng mga hit Korean drama na My Love From the Star, It’s Okay to Not Be Okay at Queen of Tears, among others.

AUTHOR PROFILE