
Andrea sa ‘bayarin’ ang pokus ‘di sa pag-ibig
WALA raw panahon para sa love life ang aktres na si Andrea Brillantes at nakapokus siya ngayon sa kanyang mga bayarin at personal goals.
Sa panayam ng TV host-actor na si Luis Manzano kasama si Andrea, napag-usapan nila ang plano ng aktres sa estado niya sa pag-ibig.
“Ano ang pakiramdam nga na lahat nag-aabang sa estado ng puso mo?” saad ni Luis.
“Ewan ko sa kanila, sila na yun. Kasi ako… edi mag-abang lang kayo. Ako hindi. Iniisip ko lang kasi work eh,” wika naman ng ‘Senior High’ star.
“You’re relatively young, kumbaga sabi mo nga, work yung iniisip mo. Is it easier or harder for you na ikaw, ang gusto mo lang gawin, mag-trabaho, pero ang talagang ang inaantay sayo ay kung may love life ka, etcetera etcetera?” pahayag pa ng TV host-actor.
Hindi naman daw iniisip ni Andrea ang ibang tao kahit na nag-aabang ito sa kalagayan ng kanyang love life dahil sa iba ang pokus niya.
“Honestly po, hindi ko kasi iniisip eh. So for me, walang bigat, wala hassle sakin at all kasi naka-focus lang po ako sa mga bayarin ko,” sey ng aktres.
“Mga bayarin ko… mga gusto ko ma-achieve before the year ends, mga gusto ko ma-achieve sa next year,” aniya pa.
Matatandaang pinuputakti ngayon ng intriga si Andrea dahil sa usap-usapang palihim umano silang nagkikita ng aktor na si Daniel Padilla at dawit din ang pangalan ng aktres sa umano’y hiwalayan ng aktor at ng nobya nitong si Kathryn Bernardo.