
ANDREA, ‘CLINGY’ SA DEAD
Nagpahinga na lang si Andrea Brillantes sa bahay nitong nakaraang Nov. 1. Hindi raw sila nagpupunta sa sementeryo at nasa bahay lang niya ang mga urn ng departed loved ones niya.
“Kasi lahat naka-cremate at lahat nasa bahay ko sila, so wala akong mavi-visit sa cemetery kasi kasama ko po sila sa house,” sey ni Andrea sa panayam sa kanya ng ABS-CBN.
Biro pa niya, “Clingy po kasi ako, eh.”
Sa ngayon ay ini-enjoy daw niya ang kanyang life at dedma na lang siya sa mga ingay lately tungkol sa kanya matapos ngang magsalita ulit ng ex-boyfriend niyang si Ricci Rivero tungkol sa naging relasyon nila.
“Enjoy life lang! Alam kong cliche pero just focus on the things that actually matter, ‘yun lang talaga. Huwag na makinig sa ingay, makinig ka lang sa sarili mo kung ano ang nagpapaligaya sa ‘yo,” aniya.