Andrea

Andrea bida o kontrabida?

December 2, 2023 Joey Aquino 190 views

ANDREA Brillantes remains chill amidst the KatNiel breakup.

The young actress is pinpointed as the reason why Kathryn Bernardo and Daniel Padilla officially ended their 11-year relationship. Mukhang unfair naman kay Andrea para siya ang idiin na dahilan sa hiwalayan nang dalawa. It takes two to tango, as they say.

Photos of Deej, as Daniel is called, and Andrea continue to circulate online with all those memes pertaining to their alleged tryst. Hindi pa nga natatapos ang usapin tungkol sa ex-boyfriend nito na si Ricci Rivero ay nasangkot na naman ang aktres sa panibagong controversy. Bugbog sarado ang bida ng seryeng ‘Senior High’ sa social media na kung saan ipinupukol sa kanya ang lahat ng masasakit na salita. Siya ang kontrabida ngayon sa KathNiel breakup.

Tagged as ‘Queen Z Queen’, Andrea is feisty and vocal. Kaya hindi siya papatalo sa ano mang pagsubok sa kanyang buhay. Sa totoo lang, lagi siyang nasasangkot sa mga kontrobersiya. Ngayon, laging nadadawit ang kanyang pangalan sa maiinit na isyu. Pati nga sa hiwalayan nina Elijah Canlas at Miles Ocampo, siya rin ang itinuturong dahilan. Nagiging kontrabida tuloy ang kanyang imahe sa loob at labas ng showbiz.

But Andrea seems to be unbothered by all these controversies and bashings. Nakakabilib ang aktres dahil focused siya sa kanyang career. Dahil dito, hindi siya nawawalan ng project sa Kapamilya network. She is this generation’s primera bida-kontrabida. No wonder, she is one of ABS-CBN’s hot properties. Swerte siya dahil pumapatok ang kanyang mga serye.

Comment naman ng kaibigan kong TV writer, bagay daw siya sa movie remake ng ‘Nympha’ ni Alma Moreno. No pun, intended. Will Andrea be groomed as the sex siren of this generation? Just asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at [email protected]

AUTHOR PROFILE