Default Thumbnail

Alynna nakiusap sa netizens: ’Wag atakehin, sisihin ang pamilya ni Hajji

April 27, 2025 Vinia Vivar 79 views

Hindi inakala ni Alynna Velasquez, long-time partner ng yumaong OPM icon na si Hajji Alejandro, na magiging viral at kontrobersyal ang ipinost niyang video kamakailan.

Matatandaang ipinost ng dating singer ang pagdalaw at pag-aalay niya ng bulaklak sa Walk of Fame star ni Hajji sa Eastwood dahil hindi umano siya pwedeng dumalaw sa burol nito.

Magugunita rin na sumakabilang-buhay ang OPM legend nitong nakaraang April 21 matapos ang dalawang buwang pakikipaglaban sa stage 4 colon cancer. He was 70 years old.

Sa bagong Instagram post ni Alynna ay sinabi niya na wala siyang ibang sinisisi sa kanyang sitwasyon.

“Never in my wildest dreams did I imagine that my video would become viral. To me, it was just a quiet and solemn way to honor the man I love.

“I didn’t point a finger at anyone. I was ok with it. Rather, I blamed myself and just accepted my fate,” pahayag ni Alynna.

Nagkaroon daw ng hindi magagandang reaksyon mula sa netizens ang kanyang post at pati ang pamilya ni Hajji ay na-bash na.

“Over the pleasant and deeply impactful comments from my post, there were harsh pronouncements blown out of proportion. Nanganak na nang nanganak. Comment section became a debate box,” aniya.

Kasunod nito ay nakiusap ang dating singer sa publiko na huwag namang atakehin ang pamilya ni Hajji.

‘Dear friends and followers, please don’t attack or blame the family. There are some members who respect me and those who hate my existence. It’s just my destiny and predetermined path. And I am also defective at times. For these, I apologize,” she said.

“My biggest regret is I let some people interfere with our lives. So many wasted time. Life is just so short,” patuloy pa niya.

Nagbahagi rin siya ng isang quotation na nagsasaad ng: ”Love the people who love the people you love.”

BILLS, MGA UTANG NI ATE GUY SINAGOT NI PBBM

Kinumpirma ng Malacanang na ang Office of the President at si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang sumagot sa hospital bills ni National Artist Nora Aunor at hindi ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Senior Undersecretary Ana Puod, hindi lang ang hospital bills ang sinagot ng OP at ni PBBM kundi pati na rin ang iba pang expenses ni Ate Guy.

“‘Di lang yung hospital bill ‘yan, pati ibang utang at ibang expenses daw galing sa personal na pera ni PBBM (President Bongbong Marcos) ‘yan,” ang pahayag ni Puod sa ulat ng GMA-7.

Hindi na sinabi pa ni Puod kung magkano ang halagang nailabas ng Pangulo pero ito raw ay sa ilalim ng hospitalization benefits for National Artists.

Matatandaang dumalaw pa si PBBM at ang misis niyang si First Lady Liza Araneta-Marcos sa burol ng Superstar sa Heritage Park sa Taguig last April 21.

Pumanaw si Nora noong Aprl 16 sa edad na 71. Inihimlay siya sa Libingan ng mga Bayani at hinandugan ng state necro service at hero’s burial.

AUTHOR PROFILE