
Alyansa para sa Bagong Pilipinas, susuyurin EV
PANGUNGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at House Speaker Martin Romualdez ang isasagawang grand rally ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas, araw ng Biyernes sa Tacloban City.
Ayon kay Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. susuyurin nila, kasama ang iba pang senatorial candidate ng Alyansa para sa Bagong Pilipino ang Eastern Visayas at magtatapos sa gaganaping grand rally sa Tacloban City.
Nauna ng pinasalamatan ni Sen. Bong Revilla ang Pangulong Bongbong Marcos sa ginawang pag-eendorso at pangangampanya sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas na kanyang kinabibilangan,.nang magsagawa sila ng grand rally sa Pili, Camarines Sur.
Sa naturang kaganapan, naghiyawan at nagpalakpakan ang mga tao nang tawagin ng Pangulong Bongbong Marcos ang pangalan ni Senator Revilla kaya’t nabanggit ng Pangulo ang salitang “sana all”.
Nagawa pang magbiro ng Pangulo nang banggitin na sana ay nag-artista rin siya noong kanyang kabataan, bago inihayag ang mga nalikhang batas ni Senator Revilla, kabilang na ang expanded centenarian law, at pagbabawal sa no tuition, no exam policy.
Nangako naman si Revilla na pagbubutihin pa ang paglilingkod at paglikha ng mga panukalang batas na ang makikinabang ay mga mahihirap, mga senior citizens, at mga estudyante.