Alodia

Alodia manganganak na sa first baby

October 22, 2024 Aster Amoyo 293 views

Alodia1Alodia2ANYDAY ay isisilang na ng Cosplay Queen of the Philippines, content creator, Pinoy gaming icon at entrepreneur na si Alodia Gosiengfiao-Quimbo at ng kanyang businessman husband na si Chris Quimbo ang kanilang first baby, a boy based on the gender reveal last June.

The celebrity couple got engaged nung 2022 and married in a dreamy fantasy-themed Christian wedding nung February 14, 2024 sa Grand Ballroom ng Marriott Hotel in Newport City, Pasay City.

Ang husband ni Alodia na si Chris ay isang successful businessman at gamer. Siya ang tumatayong president and general manager ng Novellino Wine owned by his family. He was born and grew up in the US where he finished college. He took up Economics at the University of Wisconsin, Madison. He loved math and music. He became part of an acappella group and plays the piano. He was working in Target, one of the top retailers in the U.S. when his businessman father Vicente Quimbo asked him to come to the Philippines and help him run the family business. He was 25 nang umuwi siya ng Pilipinas.

Related si Chris sa mga Quimbo politicians in Marikina. Pinsan niya ang dating kongresista ng Marikina na si Miro Quimbo.

Bago nakilala ni Alodia ang kanyang husband, she was in long relationship with Filipino-American vlogger, model and TV personality na si Wil Dasovich na nakipaglaban sa kanyang sakit na cancer.

Kathryn at Alden nakatadhana sa isa’t isa?

AldenAlden1FIRST time in the Philippines na magkakaroon ng midnight screening ang isang pelikula at ito’y mangyayari sa balik-tambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa pamamagitan ng “Hello, Love, Again” bilang sequel sa kanilang 2019 “Hello, Love, Again” film which outgrossed all existing Filipino box office hit movies until the movie “Rewind,” a Metro Manila Film Festival movie na pinagbidahan ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera came in January 2024 na siyang tumalo sa record-breaking movie na HLG.

At 12:01 a.m. on November 13 ay mapapanood ang pelikulang “Hello, Love, Again” in 72 theaters nationwide at kasunod na rito ang regular screening ng movie sa mas marami pang mga sinehan inside the malls sa buong bansa.

Kathryn and Alden are out to prove to everyone na nariyan pa rin ang magic ng kanilang tambalan laluna ngayon na mag-iisang taon nang hiwalay ang Kapamilya star sa kanyang dating nobyo of eleven years, ang Kapamilya matinee idol na si Daniel Padilla.

Nali-link ngayon romantically sina Kathryn at Alden na lalong ikinatatuwa ng KathDen fans. Malaking factor ito para panoorin ang pelikula ng dalawa.

Ang kuwento ng “Hello, Love, Again” ay tungkol sa struggle ng dalawang OFWs na sina Joy/Marie at Ethan at kung paano nila maipagpapatuloy ang kanilang mga pangarap for their families at ang kanilang kakaibang pag-iibigan na nagsimula sa Hong Kong at ipagpapatuloy sa Canada.

Nung ginawa nina Kathryn at Alden ang “Hello, Love, Goodbye” in 2019 ay very much in a relationship pa sina Kathryn at Daniel. But five years later, single na muli ang Kapamilya star at nananatiling unattached naman ang Kapuso prized actor na na-link noon sa Kapuso singer-actress na si Julie Anne San Jose at actress and former beauty queen na si Winwyn Marquez maging sa kanyang dating ka-loveteam na si Maine Mendoza. But Alden remained single para mag-focus sa kanyang career at sa kanyang mg itinayong negosyo.

Alden who is Richard Reyes Faulkerson, Jr. in real life sees himself having his own family at age 35. He is now 32 and turning 33 on January 2, 2025. Sinabi naman noon ni Kathryn that she wants to settle down when she turns 30. She’s now 28 and turning 29 on March 26 next year at halos swak ang plano ng dalawa na magkaroon ng sariling pamilya.

Sina Kathryn at Alden na nga kaya ang nakatadhana para sa isa’t isa?

EA at Shaira pareho nang endorser ng Beautederm

EAEA1ENGAGED celebrity couple EA (Edgar Allan) Guzman (35) and Shaira Diaz (29) are preparing for their wedding next year pero hindi pa nagbibigay ang dalawa ng clue kung kelan at saan ito gaganapin.

Matagal-tagal na rin ang relasyon ng dalawa na naging magkasintahan in 2013 and got engaged in December 2021. Tinupad ni EA (short of Edgar Allan) ang kanyang pangako sa kasintahan na hindi sila magpapakasal until hindi natatapos ang pag-aaral nito. In June this year ay nagtapos si Shaira ng kanyang pag-aaral ng kursong Business Administration sa University of Perpetual Help System DALTA in Las Pinas City. Kaya tutuparin na nito ang kanyang promise sa kanyang fiancé na sila’y magpakasal.

Sina EA at Shaira ay pareho nang brand ambassadors ng Beautederm with Shaira along with Miguel Tanfelix and Sofia Pablo as the newest faces ng bagong produkto ng Beautederm ang Belle Dolls healthy drinks.

Natitiyak din namin na ang isa sa mga tatayong principal sponsors sa kasal ng dalawa ay ang president-CEO ng Beautederm na si Rei Anicoche-Tan lalupa’t pareho niyang anak-anakan ang dalawa sa kanyang Beautederm family with over a hundred brand ambassadors of celebrities.

Natutuwa pareho sina EA at Shaira na pareho na silang kabilang sa pamilya ng Beautederm kaya mas madalas din silang magkakasama sa iba’t ibang activities ng kumpanya nationwide maging sa ibang bansa.

Nathalie uunahin na ang career kaysa romansa

NatalieNatalie1STARSTRUCK alumna Filipino-Australian actress Nathalie Hart (Princess Tinkerbell Cristina Marjorie Pedere Snell)-32 realized na maraming taon din ang kanyang sinayang sa tuwing siya’y nai-in love.

She was almost at the peak of her career nang siya’y ma-in love sa Indian businessman na si Mayank Sharma, ama ng kanyang 6-year-old daughter na si Penelope.

Bago pa man isilang sa Australia ni Nathalie ang kanyang anak ay hiwalay na sila ng kanyang dating nobyo. Bumalik siya ng Pilipinas na bitbit ang kanyang anak at muli niyang ipinagpatuloy ang kanyang career sa tulong ng kanyang yumaong talent manager na si Leo Dominguez. Pero taong 2022 ay muli siyang umibig na nauwi sa kanilang engagement at pagpapakasal nung isang taon (2023). Ito ay ang Australian national na si Brad Robert pero bago ang kanilang pagsasama ay nauwi sa divorce nitong taon lamang. Dito na-realize ng Fil-Aussie actress na kailangan niyang mag-focus muna sa kanyang career at sa kanyang lumalaking anak whom she considers her inspiration and strength.

Lumagda siya kamakailan ng management contract with Viva Artists Agency (VAA).

She promised herself that this time ay career na ang kanyang pagtutuunan ng pansin alang-alang sa kanyang anak.

In an interview, sinabi ni Nathalie that her ex-boyfriend na si Mayank is in regular touch with her daughter, na kanyang ipinagpapasalamat. At least, her daughter has a good relationship with her biological father.

Si Nathalie is among the many showbiz personalities na isang single parent. Nariyan sina Kris Aquino, Ruffa Gutierrez, ang mag-inang Jean at Jennica Garcia, Katrina Halili at marami pang iba.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook @asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE