
Alma gustong isalin sa libro ang buhay
TUWANG-TUWA si Alma Moreno nang makarating sa kanya ang balita na nag-number 1 ang “Pornstar 2: Pangalawang Putok,” sequel ng “Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar” mula sa panulat at direksiyon ni Darryl Yap which started streaming on Vivamax last Friday, December 3. Ito’y muling tinampukan nina Alma, Rosanna Roces, Ara Mina, Maui Taylor at apat na baguhang sexy actresses ng Viva na sina Stephanie `Steph’ Raz, Sab Aggabao, Myana Misola at Cara Gonzales.
Ayon sa actress at dating politician, dahil dito, magkakaroon umano ng “Pornstar 3” na tatampukan pa rin nila nina Rosanna, Ara at Maui at pagsasamahin umano ang mga young sexy stars ng dalawang pelikula.
Thankful si Alma sa kanyang pagiging aktibong muli sa kanyang showbiz career sa tulong ng Viva kung saan siya ngayon nakakontrata along with three of her seven children na sina Mark Anthony Fernandez, Vandolph at Vitto, mga anak niya kina Rudy Fernandez, Dolphy at ex-husband niyang si Joey Marquez.
Unknown to many, si Alma na naging sex goddess nung dekada sitenta at otsenta, naging first love niya ang yumaong singer-actor na si Walter Navarro. Hindi umano tumagal ang kanilang relasyon dahil pareho pa silang teen-ager nang maging sila at hinarangan umano sila ng kanyang Mommy Jean dahil pareho pa silang mga bata. First serious love naman niya ang yumaong action star na si Rudy Fernandez kung kanino siya may isang anak, ang actor na si Mark Anthony Fernandez. Ibinahagi ni Ness na nagtanan umano sila noon ni Daboy (palayaw ni Rudy) pero siya’y binawi ng kanyang ina. Sumunod na kanyang nakarelasyon ay ang yumaong comedy king na si Dolphy, ama ng kanyang pangalawang anak na si Vandolph na isa ring actor at politician. Nagkahiwalay naman sila ni Dolphy nung taong 1989.
Alma got married twice, una sa actor-comedian at dating politician na si Joey Marquez kung kanino siya may apat na anak, sina Yeoj, Winwyn, Vitto at MM pero nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang pagsasama. In 2009, muling nagpakasal si Alma sa dating mayor ng Marawi na si Sultan Fajad `Pre’ Salic at nakaroon sila ng isang anak na babae na si Alfa Salic, now 12 years old. Tulad ng iba niyang naging relasyon, nagkahiwalay din sila ng kanyang second husband. The actress admits na magkakaibigan pa rin sila ng kanyang dalawang ex-husbands hanggang ngayon maging sa misis ni Daboy na si Lorna Tolentino na kinuha pa niyang ninang sa isa sa mga anak nila ni Joey.
Nagpapasalamat si Alma kay LT dahil minahal at itinuring din nitong anak ang kanyang panganay na si Mark Anthony. Itinuring naman ni Mark Anthony si LT as his second mom.
Ayon sa aktres at dating politician, lahat ng kanyang mga nakarelasyon in the past ay kanyang minahal nang tapat kaya wala umano siyang pinagsisihan kahit ang lahat nang ito ay nauwi sa hiwalayan.
“Lahat naman sila ay minahal din ako,” pagtutuwid niya.
Alma who is Venessa Moreno Lacsamana in real life ay na-discover in Cebu ng yumaong comedian-producer na si Chiquito in 1973 when she was barely 16 and was introduced to the late director-producer na si Artemio Marquez ng Tower Productions noon. Si Direk Temyong ay ama ng ex-husband ni Ness (Alma) na si Joey Marquez. She was introduced in “Urduja”movie na pinagbidahan ni Amalia Fuentes. After doing supporting roles, she was launched into full stardom sa pamamagitan ng pelikulang “Ligaw na Bulaklak” na dinirek ng National Artist na si Ishmael Bernal at pinagtambalan nila ni Vic Silayan. Magmula noon ay naging sunud-sunod na ang mga pelikula ni Ness with her playing the lead roles. There was even a time ay nakagawa siya ng 18 pelikula in one year. Ilan sa kanyang mga notables movies include “Mrs. Eva Fonda, 16,” “Walang Karanasan,” “Bakit Ako Mahihiya,” “Dyesebel,” “Bomba Star,” “Pandora,” “Laruang Apoy,” “Bawal na Pag-ibig,” “Hinog sa Pilit,” “Mga Sariwang Bulaklak” at marami pang iba. Una naman silang nagtambal ni Rudy Fernandez nung 1976 sa pamamagitan ng pelikulang “Bitayin si Baby Ama” and starred in six other films.
Kung gagawing pelikula ang buhay ni Alma, gusto niya na ang kanyang anak, ang actress at dating beauty queen na si Winwyn Marquez ang gumanap sa kanya.
Since makulay ang buhay ni Alma, gusto niya itong isalin sa libro.
“Isang bukas na aklat ang buhay ko,” aniya.
At her prime, si Alma ay nagkaroon ng sariling drama anthology, ang “Alindog” and musical-dance show na “Loveliness” kung saan niya nakuha ang taguri sa kanya na “Tangga Queen”. She was also dubbed as ‘Sex Goddess of Philippine Cinemas’ nung siya’y nasa peak ng kanyang karera.
With seven children and seven grandchildren, bukas pa rin si Ness sa posibilidad na umibig muli.
“Kung may darating pa sa buhay ko, why not?,” aniya.
“Wala namang age limit ang pag-ibig,” dugtong pa niya.
“Siyempre, darating din ang araw na mag-isa na lang ako kasi may kani-kanya nang pamilya ang mga anak ko. Gusto ko rin naman na may partner ako sa aking pagtanda,” paliwanag pa niya.
Samantala, si Alma ang kauna-unahang babae na naging secretary general at presidente ng Councilors League of the Philippines (CLP) nung siya’y maging konsehal ng isang distrito ng Paranaque sa loob ng tatlong termino o siyam na taon. At hindi niya isinasara ang posibilidad na muling kumandidato sa pagka-konsehal balang araw.
“Nag-give way ako kay Vandolph who is now serving his last term bilang konsehal,” aniya.
Si Alma ay kumandidato noon sa pagka-mayor ng Paranaque but lost habang umatras naman siya sa kanyang kandidatura noon sa pagka-senador.
Samantala, kahit wala ngayon sa pulitika si Ness (Alma), aktibo pa rin siya sa iba’t ibang charitable institutions na kanyang sinusuportahan at kasama na rito ang “Alma Cares”.
Since matagal din siyang naging inactive sa showbiz, ito ngayon ang kanyang pinagtutuunan ng pansin.
“With the help ng Viva, sunud-sunod ang ginagawa kong proyekto ngayon,” pagtatapos niya.
Looking forward din si Ness na muli siyang magkaroon ng isang TV series.
Toni, asawa ang nagsulsol para mag-produce ng pelikula
SA virtual presscon ng Metro Manila Film Festival movie na “ExorSis” na pinagbibidahan ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga at tinatampukan din ni Melai Cantiveros mula sa panulat at direksyon ni Fifth Solomon under TinCan Productions, inamin ng singer, actress, host at film producer na si Toni that it was her husband, ang director-producer na si Paul Soriano ng Ten17P Productions ang nag-encourage sa kanya to put up her own film production para lubos nitong maunawaan ang pagiging isang film producer. Nangyari ito sa pelikulang “Mary, Marry Me” na pinagsamahan din nila ng sister niyang si Alex kasama si Sam Milby na dinirek ni RC de los Reyes at naging kalahok sa 2018 MMFF.
Ayon kay Toni, mas na-appreciate umano niya ang trabaho ng production people.
Why TinCan for a company’s name?
“Tin kasi ang palayaw sa akin habang ang Can ay nanggaling mismo sa husband kong si Paul na hango naman sa `can do it’ kaya TinCan,” paliwanag ni Toni.
Ang sister niyang si Alex ay isa rin sa co-producer ng TinCan Film Production.
Ayon kay Toni, naghahanap na umano ang TinCan ng material para sa launching movie ng malapit nilang kaibigang si Melai Cantiveros na kasama rin nila sa horror-comedy movie na “ExorSis” maging sa una nilang MMFF entry in 2018, ang “Mary, Marry Me”.
“She deserves to star in her own movie,” ayon kay Toni na agad naman sinang-ayunan ni Alex.
Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.