
Alex’s phenomenal journey as world-class tennis player
PHENOMENAL 19-year-old professional Filipino tennis player Alexandra `Alex’ Eala took Filipino tennis to the next step matapos siyang umabot sa #75 ng WTA ranking after her recent unprecedented win and performance sa semi-final ng Miami Open. She is the first Filipina na nakatalo sa multiple top 5 players and Grand Slam champions and reached a tour-level semifinal sa Open Era.
Si Alexandra `Alex’ Maniego Eala, who’s turning 20 sa May 23, ay anak ng dating swimming champion na si Rosemarie `Rizza’ Maniego-Eala, isang bronze medalist in a100-meter backstroke sa 1985 Southeast Asian Games and a retired CFO ng Globe Telecom. Ang kanyang older brother na si Michael (Miko) ay naglaro rin ng tennis for the Pennsylvania State University Nittany Lions mula 2020 hanggang 2024.
She attended the Immaculate Concepcion Academy in San Juan at Colegio de San Agustin in Makati bago siya lumipat sa Rafael Nadal Academy in Manacor, Mallorca, Spain bilang scholar. Ito rin bale ang unang pagkakataon na siya’y napawalay sa kanyang pamilya para maipagpatuloy niya ang kanyang passion sa paglalaro ng tennis na kanyang natutunan sa kanyang maternal grandfather since she was a kid.
Si Alex ay pamangkin ni Noli Eala, dating chairperson ng Philippine Sports Commission at commissioner ng Philippine Basketball Association.
Ang kanyang amang si Michael Eala, Sr. ay number one niyang supporter at kasa-kasama sa kanyang mga sinasalihang tournaments sa iba’t ibang bansa.
She was 12 nung 2018 nang siya’y manalo sa Les Petit As (ages 12 to 14) and made her junior debut at the 2019 US Open. That same year ay siya ang tinanghal na 2019 Milo Junior Athlete of the Year.
Bago siya nakarating sa Miami Open ay nakakuha siya ng Grand Slam win in singles category nung 2020 sa French Open na sinundan sa Wimbledon nung 2021 at US Open nung 2022. Nakakuha rin siya ng Grand Slam win sa doubles category sa 2020 Australian Open na sinundan nung 2021 sa French Open, Wimbledon at US Open nung 2021.
“You didn’t have anyone from where you’re from to pave the way. Of course, you had many people to look up to around the world, but I hope this takes Filipino tennis to the next step,” pahayag niya sa isang panayam.
“I never saw myself doing anything else that wasn’t tennis,” patuloy niya.
“I saw as a grew that I was getting better and better, and I saw that I always had the potential to make it,” aniya.
Ang pagpasok niya sa #75 sa live ranking ng WTA Tour ay isang napakalaking achievement sa isang professional tennis player like her at kauna-unahang na naabot ng isang Filipino.
During her Miami Open performance ay present ang kanyang parents na sina Michael at Rizza Eala na nagsilbi niyang inspirasyon along with her kababayans.
Anak nina Ellen at Derek ipinakikita na
UNTI-UNTI nang ipinakikita ang mukha ng first baby ng mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna-Ramsay na si Baby Liana.
Giliw na giliw ang 7-year-old son ni Ellen (sa actor na si John Lloyd Cruz) na si Elias sa kanyang baby sister.
Magmula nang ikasal sina Derek at Ellen at magkaroon ng sariling anak ay parehong inactive ngayon ang mag-asawa sa kanilang respective showbiz career.
The celebrity couple got married on November 11, 2021 in a luxury resort in Bataan.
John Lloyd bakit ‘tamad’ nang umarte
WALA na pala sa pangangalaga ng Crown Artist Management (CAM) na pinamumunuan ng singer, actress, dancer, brand ambassador at entrepreneur na si Maja Salvador ang actor na si John Lloyd Cruz.
Since on a semi-active mode ang acting career ng actor, personal itong nagpaalam kay Maja and her husband na si Rambo Nunez (Ortega) at wala namang naging problema sa mag-asawa.
Sa totoo lamang, marami ang nanghihinayang kay John Lloyd na hindi ito aktibo ngayon sa paggawa ng pelikula at TV series magmula nang ito’y kumalas sa pangangalaga ng Star Magic ng ABS-CBN who honed him to become one of the most popular and best actors of his generation.
Kung nanaisin ni John Lloyd, puwede naman itong bumalik sa bakuran ng ABS-CBN who would readily take him back into its fold.
Nang umalis ang actor sa bakuran ng ABS-CBN, unti-unti naman nilang hinulma ang young actor na si Joshua Garcia na siyang sumusunod sa mga yapak ni John Lloyd.
Naniniwala kami na kung babalik ito sa kanyang home studio, tiyak na kaya pa nitong ibalik ang kasikatan na dati niyang tinatamasa.
John Lloyd is now in a long term relationship with a visual artist na si Isabel Santos at pareho nilang ini-enjoy ang kanilang tahimik at simpleng buhay.
Regular pa rin naman niyang ‘nahihiram’ ang 7-year-old son na si Elias for their regular father-and-son bonding.
Kathryn nakagugulat ang ‘katapangan’ ngayon
WALANG alinlangan na ang Kapamilya superstar na si Kathryn Bernardo ang biggest star sa star-studded na “Body of Work: Bench Fashion Show” held at the SM MOA Arena nung March 21, 2022 na tinampukan din ng iba pang stars tulad nina Alden Richards, Joshua Garcia, David Licauco, Janine Gutierrez, Sunshine Cruz, Michelle Dee, Ina Raymundo, Priscilla Meirelles at marami pang iba.
She is pierce and bolder now pagdating sa kanyang mga seksing kasuotan na kayang-kaya naman niyang dalhin.
Napansin ng marami na tumapang si Kathryn sa pagsusuot ng mga sexy outfit after her break-up her longtime ex-boyfriend na si Daniel Padilla. Ito marahil ay expression niya sa kanyang new-found freedom.
Inamin ng mother ni Kathryn na si Mommy Min na marami umanong manliligaw ang actress ngayon but she’s giving her the liberty to choose dahil 29 naman na siya. In fact, nagsasarili na ngayon si Kathryn. She’s just there to constantly guide and remind her kung kinakailangan.
Hanggang ngayon ay clueless pa rin ang KathDen fans kung bakit tumigil si Tisoy (Alden Richards) sa kanyang panunuyo sa dalaga.
Samantala, sobrang ini-enjoy ni Kathryn ang kanyang pagiging isa sa apat na hurado ng bagong simulang 7th season ng “Pilipinas Got Talent”.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster-amoyo.