Alexa

Alexa kinilig kay Rufa Mae

October 7, 2024 Ian F. Fariñas 185 views

MATAGAL-TAGAL ding nawala sa eksena ang komedyanang si Rufa Mae Quinto kaya naman marami ang natuwa na muli siyang nagiging aktibo sa showbiz scene.

Bukod sa pagiging regular na hurado sa “KalokaLike” segment ng “It’s Showtime,” wish niya na maging regular co-host siya sa daily noontime show ng Kapamilya network.

Tutal nga naman, eh, ka-batch niya sina Vhong Navarro at Jhong Hilario, idolo niya si Vice Ganda at parang pamilya na ang turingan nila ng iba pang hosts tulad nina Ogie Alcasid, Karylle, atbp.

Isa pa, kwelang-kwela sa kanya ang audience tuwing sasalang sa naturang segment so, why not?

Maliban dito, may cameo role rin si Rufa Mae sa pelikulang “Mujigae,” na pinagbibidahan nina Alexa Ilacad, Korean actor Kim Ji-soo at dating Mini Miss U ng Cavite Ryrie Sophia.

Maganda ang relasyon ng komedyana sa Gen Z stars gaya ni Alexa at natutuwa siya na kilala siya ng mga ito.

Ayon pa sa kanya, marespeto si Alexa sa mga beteranang tulad niya at aware siya na itinuturing siyang idolo ng perennial screen partner ni KD Estrada.

Sa katatapos na “Mujigae” mediacon, kinilig pa si Alexa na sa wakas ay nabigyan na siya ng pagkakataong makasama si Rufa Mae sa isang proyekto.

Super fan ang dalaga ng bida ng Pinoy classic na “Booba.” In fact, nag-volunteer pa nga si Alexa na gumanap bilang anak ni Rufa Mae nang mapabalitang gagawin niya ang “Booba 2” sa direksyon ni Darryl Yap.

Hindi nga lang ito natuloy dahil sa ilang problema.

Anyway, ang “Mujigae” (rainbow sa Ingles) ay isang Pinoy-Korean family drama. Tungkol ito sa limang taong gulang na ampong si Mujigae (Ryrie) na mauulila sa Korea at uuwi ng ’Pinas sa pangangalaga ng estranged aunt niyang si Sunny (Alexa) na eventually ay tatayong mother figure niya.

Magugulo ang mundo ng dalawa sa pag-eksena ng Koryanong ama ni Mujigae na si Ji Sung Park (Ji-Soo).

Mula sa direksyon ni Randolph Longjas, magkakaroon ito ng premiere screening ngayong Martes, October 8, bago magbukas exclusively sa SM Cinemas bukas, October 9.

Ang “Mujigae” ay handog ng UxS (Unitel x Straightshooters). Kasama rin sa cast sina Richard Quan, Kate Alejandrino, Donna Cariage, Cai Cortez, Roli Inocencio, Anna Luna, Lui Manansala at Peewee O’Hara.

AUTHOR PROFILE