Alessandra de Rossi Larawan mula sa IG/@msderossi

Alessandra de Rossi aminadong mukhang pera

December 23, 2023 People's Tonight 223 views

AMINADONG gusto ng maraming pera ang aktres na si Alessandra de Rossi

Sa isang episode ng GMA talk show na “Fast Talk with Boy Abunda” kasama ang King of Talk na si Boy Abunda, natanong ang aktres kung ano ang kanyang magiging kahilingan kung bibigyan ng pagkakataon.

“If you were to see a thousand fireflies and if you would to make a wish, ano ‘yon at bakit?” saad ni Tito Boy kay Alessandra.

Sey ng aktres na nais niya ng maraming pera para magawa ang mga bagay na gusto niya.

“At this point, pera. Oo, gusto ko ng maraming pera. Dati ayoko ‘yun eh. Pero ngayon, nando’n ka na siguro sa kailangan mo ng maraming pera para magawa mo ‘yung mga gusto mo. Para pwede kang tumambay-tambay na lang na ganun. ‘Di ba?” wika ng ‘Firefly’ actress.

“I understand. I really understand,” hirit ni King of Talk.

Paliwanag pa ni Alessandra na tumatanda na raw kasi siya kaya’t ganito ang kanyang hiling.

“I mean, we’re getting old ’no,” pahayag ng aktres.

“Of course. At you’re not even 40, you’re turning 40 next year,” sey pa ni Tito Boy.

“Feeling ko 45 na ‘to,” dagdag pa ni Alessandra.

AUTHOR PROFILE