
Alden umamin sa kayabangan
INAMIN ni Alden Richards na minsan din siyang yumabang dahil sa kasikatan niya.
“I would be a hypocrite if I have said ‘no.’ At one point, of course lahat tayo na-e-experience ‘yan. Siguro during the first part of my career. Na-realize ko noong pati ‘yung mga taong malalapit sa akin naaapektuhan na. Na these people, sila ‘yung dapat huling magrereklamo sa ‘yo. It hit me na baka nga ganu’n na,” sey ng host ng Battle of the Judges.
Malaki ang pasasalamat ni Alden na marami siyang kaibigan at malalapit sa buhay na nagpapaalala sa kaniya ng mga mahahalagang aral sa buhay.
Inalala ni Alden ang kaniyang humble beginnings sa Kapuso Network, nang tanggihan siya ng mga tao, ngunit isa sa mga naniwala at ipinaglaban siya ay si Annette Gozon-Valdes, na Senior Vice President ngayon ng GMA Network.
“Mataas siya, siya ‘yung number one ko. Nakikita ko sa kaniya parang John Lloyd ‘yan eh. Nakita ko agad ‘yung depth niya as an actor. Ang ganda ng voice quality, malalim. Buti naman, I was proven correct, talagang karapat-dapat si Alden sa showbiz,” sabi ni Ms. Annette tungkol kay Alden.
Dahil dito, inihayag ni Alden na: “Sabi nga po nila, hindi nagma-matter ‘yung mga taong ayaw sa ‘yo, as long as may isang naniniwala sa ‘yo.”
Barbie mas close ngayon kay David
AYON kay Barbie Forteza na naging mas close pa sila ni David Licauco dahil sa mga sunud-sunod nilang proyekto.
“Ang mature na ng mga usapan namin. Nag-o-open up siya sa akin, which I appreciate so much knowing that he is private and quite an introvert. So ang goal ko ngayon ay mawala ‘yun,” sey ni Barbie
Minsan na rin daw nainis si Barbie kay David bilang katrabaho. Kinumpirma naman ito ni David nang sumalang siya sa lie detector test challenge sa vlog ni Bea Alonzo.
“‘Ba’t mo naman ako hate dati?’ Sabi niya, kasi lagi raw akong late tapos hindi raw ako nagso-sorry,” sabi ni David kay Bea.
Hanggang sa ipaliwanag ni David na ang dahilan ng kaniyang pagiging late ay ang kaniyang sleep apnea. Naunawaan naman daw ito ni Barbie.
Sa vlog din ni Bea, tinanong niya si David kung sa tingin nitong nagseselos sa kaniya ang real-life boyfriend ni Barbie na si Jak Roberto.
“No” ang sagot ni David, na sinang-ayunan naman ni Barbie.
“Whatever David and I have, whatever friendship I’ve built with him, I really treasure it and I really don’t want to lose it,” sey ni Barbie.
Version ng Voltes 5 song na may kakaibang twist
INILABAS ng GMA Music and AltG Records ang bagong single ng kanilang artist na si Abby Clutario, ang Voltes V song na Chichi Wo Motomete ni Ichirou Mizuki.
“Ang kuwento nito, I covered this nung 2020, I think yun din ‘yung panahon na naglabas na ng teaser for Voltes V: Legacy, so sabi ko since isa ito sa mga kantang naaalala ng marami dahil sa Voltes V. Naisip ko na gusto ko siyang lagyan ng twist, aregluhin ko siya, lalagyan ko siya ng twist kasi panglalaki yung kanta and then ginawa ko siya sa chapman stick,” Sabi ni Abby sa Zoom mediacon.
Bago raw gawin itong official single, nabigyan ito ng approval ng mga taong may kinalaman sa song. Binusisi rin nila kung tama ang pag-pronounce ni Abby ng mga words sa song.
“Nong nakuha kami ng license to remake this song, very grateful ako kay Sir Teddy and Miss Michelle na pinush nila itong “Chichi Wo Motomete” para ma-release ko sa digital streaming platforms,” sey ni Abby na nung July 7 ni-release ang song sa lahat ng music streaming platforms.
Ang Chichi Wo Motomete ay ang song na pinatutugtog sa ending ng bawat episode ng Voltes V. Ang English meaning nito ay “Looking For Father”.
Ang version ng Voltes V: Legacy star na si Matt Lozano ang ginamit sa naturang serye.